PCSO namimigay pa rin ng medical assistance
PATULOY pa rin ang pamimigay ng medical assistance ng Philippine Charity Sweepstakes Office kahit wala na itong gaming activities.
“May we inform the public that our Individual Medical Assistance Program (IMAP) services at the Lung Center of the Philippines in Quezon City and all PCSO Branch Offices nationwide will still be available today onwards, unless otherwise instructed,” saad ng pahayag ng PCSO.
Sinabi ng PCSO na kasama sila ni Pangulong Duterte sa paglabag sa korupsyon at iligal na sugal.
“The Agency programs, projects and activities are aligned to the objective and goal of our national government.”
Maaari pa ring makuha ang mga premyo ng mga nanalong Lotto at KENO tickets sa head office ng PCSO sa Conservatory Building, Shaw Boulevard sa Mandaluyong City mula alas-8:15 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.
Ipinatigil ng PCSO ang lahat ng gaming activities nito alinsunod sa utos ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.