Horoscope, July 29, 2019 | Bandera

Horoscope, July 29, 2019

Madam Sophia |July 29,2019
facebook
share this

Horoscope, July 29, 2019

Madam Sophia - July 29, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung patuloy kang tutulog-tulog, matutulog din ang magandang kapalaran. Pasiglahin ang iyong pakiramdam. Bukas ng umaga, gumising bago simikat ang araw, upan marami kang magawa. Tandaan mong hindi lang sipag ang mitsa ng tunay na tagumpay kundi ang maagang pagising at nasa kundisyon na isipan. Kapag ganyan ka, hindi lang tagumpay at mapapasa iyo liligaya ka rin habang buhay. Mapalad ang 7, 19, 28, 32, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” White at yellow ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Ituloy mo lang ang naumpisahan mong pagpapalago ng kabuhayan, malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, mahalaga ang hagod ng minamahal upang lalo ka pangsuwertehin at datnan ng magagandang kapalaran. Mapalad ang 3, 6, 18, 22, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Kung gusto mong yumaman, okey lang kung medyo chubby. Karamihan sa mga yumayaman ay nagiging bilugan ang pangangatawan at tumataba, lalo na kung siya ay isang Taurus. Sa romansa, mas masarap kayakap ang bilugan kaysa sa patpatin. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaan-Nama-Om.” Violet at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Bukod sa kasuutang kulay puti, ang mga Gemini ay sinusuwerte sa alahas na silver. Yan ang lagi mong isuot upang madagdagan ang salapi at higit na mas maging masarap ang romansa. Mapalad ang 5, 8, 17, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Yara-Om.” Bukod sa white, ang blue ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Wag malungkot, panahon na upang mag-saya! Bilangin ang mga blessings na dumarating sa iyong buhay, kaysa sa kung ano-anong negatibong bagay ang ipinapasok mo sa iyong isipan. Mapalad ang 2, 7, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Aum-Bastan.” Green at violet ang buenas.
Leo (July 23 – August 22)—Hindi ka naman dapat umimbento ng kuwento para paniwala ka. Sabi nga basta “Be yourself”, ito ang tunayna susi upang ikaw ay tuloy-tuloy na umunlad at lumigaya. Sa pag-ibig, magpakatotoong lagi sa minamahal. Mapalad ang 4, 13, 22, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Gold at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Unahing tapusin ang mahalaga, upang hindi masira ang schedule. Ang pinaka-mahalaga sa lahat ay ang tungkol sa pera at pamilya. Mag-concentrate sa dalawang bagay na nabanggit upang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Blue at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Hindi lahat ng bagay ay nabibili ng salapi! Ang tapat at wagas na relasyon ay walang katumbas na halaga – mahalin ng lubos ang kasuyong Aquarius, dahil pinagtitiyagaan ka nya kahit na ganyan ka! Mapalad ang 1, 4, 25, 34, 43, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Gopalago.” Red at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Alam mo bang higit na sinusuwerte ang isang Scorpio kung mahaba ang buhok? Kung ikaw naman ay isang lalaki, magpatubo ng bigote at balbas upang tuloy-tuloy mong masagap ang magagandang kapalaran. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Name-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—May mangungutang na naman, napapansin kasi nilang marami kang pera. Minsan hindi masamang maglihim ng dami ng kabuhayan, upang mapaglaanan ang kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig mahal na mahal ka ng kasuyo mo, kaya wag mo ng siyang masyadong pagsasabihan pa at pagagalitan. Mapalad ang 2, 8, 19, 28, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nameh-Om.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Tandaang kahit ano ang mangyari sa bandang huli ang tama pa rin ang mananaig. Sa pinanasyal at pag-ibig, laging lumagay sa matuwid na pamumuhay upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 7, 18, 25, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om.” Maroon at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Simple lang ang pormula upang lumigaya! Sundin ang tinitibok ng puso, sa ganyang paraan sa pag-ibig at salapi magtatagumpay ka. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Yellow at lavender ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Wag bumigay sa mga problema. Isipin mo laging: “Nay pag-asa at may bukas pa!” Sa pag-ibig, ano ang malay mo pagising mo bukas ng umaga, mag text na siya sa iyo. Sa pinansyal, ano malay mo sa katataya sa lotto bigla kang masakapol ng jackpot! Tandaan habang may buhay may pag-asa. Mapalad ang 7, 9, 12, 29, 33, at 45. Mahawiga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Red at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending