San Beda Red Lions rumatsada sa ika-4 diretsong panalo | Bandera

San Beda Red Lions rumatsada sa ika-4 diretsong panalo

Melvin Sarangay - July 26, 2019 - 09:24 PM

SAN Beda University Red Lions guard Evan Nelle

DINOMINA ng San Beda Red Lions ang San Sebastian Stags sa loob ng shaded area para itala ang 73-59 panalo at ikaapat na diretsong pagwawagi sa kanilang NCAA Season 95 men’s basketball game Biyernes sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Kumamada si Evan Nelle ng 14 puntos at 10 rebound habang sina Donald Tankoua at James Canlas ay may tig-14 puntos para pangunahan ang Red Lions. Si Calvin Oftana ay nag-ambag naman ng 10 puntos, 10 rebound at pitong assist para sa San Beda.

Gumawa si Allyn Bulanadi ng 15 puntos para pamunuan ang Stags na nakalasap ng ikalawang sunod na pagkatalo sa apat na laro. Nagdagdag naman sina Alvin Capobres at Arjan Dela Cruz ng 13 at 12 puntos para sa San Sebastian.

Humablot ang defending champion Red Lions ng 49 rebound, 22 dito mula sa offensive glass habang meron lamang ang Stags na 33 rebound.

Sa ikalawang laro, nagpakitang gilas sina Mike Nzeusseu at Ralph Tansingco para tulungan ang Lyceum of the Philippines University Pirates na durugin ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 95-77.

Matapos na itatag ng Pirates ang 51-27 kalamangan sa halftime, ipinagpatuloy ng kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino, Reymar Caduyac, Jayson David at Renz Navarro ang pamamayagpag ng koponan sa second half.

Napangalagaan ng Pirates ang kanilang kalamangan para itala ang kanilang ikaapat na panalo sa limang laro na naging daan para magamit ni LPU coach Topex Robinson ang kanyang bench kung saan sina Nzeusseu at Tansingco ay gumawa ng tig-13 puntos para pangunahan ang koponan.

Kumana naman si John Anthony Amores ng 23 puntos para pamunuan ang Heavy Bombers, na naputol ang two-game winning streak at nahulog sa 2-3 kartada.

Sa ikatlong laro, bumida si Kent Salado para sa Arellano University Chiefs na nakuha ang unang panalo sa pagtala ng 86-77 panalo kontra Emilio Aguinaldo College Generals.

Kumana si Salado ng 24 puntos para pangunahan ang Chiefs na narehistro ang unang pagwawagi sa apat na laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gumawa naman si John Paul Maguliano ng 26 puntos para sa Generals na nakatikim ng ikaapat na pagkatalo sa limang laro.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending