Miguel Tanfelix Kapuso pa rin after 15 years | Bandera

Miguel Tanfelix Kapuso pa rin after 15 years

Ervin Santiago - July 26, 2019 - 12:06 AM

Speaking of Miguel Tanfelix, after 15 years, isang loud and proud Kapuso pa rin ang leading man ni Bianca Umali sa primetime series na Sahaya matapos pumirma muli ng exclusive contract sa GMA 7.
Present sa contract signing sina GMA Chairman and CEO Felipe Gozon, GMA President and COO Gilberto Duavit Jr., GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth Rasonable, at GMA Senior Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara.
Matapos pumirma ng bagong contract, ibinahagi ni Miguel ang kanyang plano na mas palaguin pa ang kanyang talento sa pag-arte.
“Sa dami nang nagawa ko, marami pa rin akong gustong gawin sa career ko. Siguro isa na diyan ‘yung pagiging bida-kontrabida, gusto ko rin ng action, marami po, e.
“Ngayon, nagwo-workshop ako para ma-expand ‘yung mga kaya ko pang gawin, para mas maging versatile pa po ako,” aniya.
Pumasok ang Kapuso actor sa network noong 2004 nung sumali sa reality artista search na StarStruck Kids. Simula noon ay sa network na nahasa ang kaniyang galing sa pag-arte.
Samantala, happy din si Atty. Gozon sa pananatili ni Miguel sa network, “Tayo ay parang naging tatay ni Miguel, and we are very glad na he is staying with us.
“Habang tumatanda si Miguel ay gumagaling na artista. At hindi lamang ‘yun, gumaguwapo pa. Kaya talagang nagagalak tayo na Kapuso pa siya hanggang ngayon,” sabi pa ng GMA executive.
Promise naman ni Miguel, marami pang dapat abangan ang fans nila ni Bianca sa GMA Telebabad series na Sahaya na napapanood pa rin after 24 Oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending