Dawn pangarap maging superhero, aswang | Bandera

Dawn pangarap maging superhero, aswang

Ervin Santiago |July 26,2019
facebook
share this

Dawn pangarap maging superhero, aswang

Ervin Santiago - July 26, 2019 - 12:07 AM

KUNG mabibigyan pa ng chance, gustong gumanap na superhero sa isang pelikula o teleserye ang award-winning actress na si Dawn Zulueta.
Bukod dito, type rin ng leading lady ni Michael V sa pelikulang “Family History” ang maging aswang dahil feeling niya talagang matsa-challenge ang kanyang pagiging aktres sa role na ito.
Ito ang inamin ni Dawn sa nakaraang guesting niya sa Tonight with Boy Abunda kamakailan.
Samantala, nang matanong naman tungkol sa kanyang timeless beauty, isa sa inamin ng aktres na nagge-gain siya ng kaunting weight habang tumatanda.
“I think nakakatulong yung habang tumatanda ako, I’m putting on some weight. But I’m doing it quite slowly so parang nagpi-fill in yung mga lines mo,” chika nito.
“Habang tumatanda ka, dapat nage-gain ka ng kaunting weight. Pero konti lang para nang sa ganun yung mga linya mo medyo umaangat,” dagdag pa niya.
Ang pagdagdag daw ng kaunting timbang ay nakakakontra sa pag-sag ng skin at muscles habang tumatanda ang isang tao, “It’s true. And because as we age, yung muscles natin, yung skin natin nagsa-sag di ba. Pero ‘pag nage-gain ka ng kaunti lang, yung tama lang, aangat pa rin yan. Nakakaroon ng volume.”
Payo pa niya sa mga kababaihang kaedad niya o mas matanda pa, huwag daw ikahiya ang mga linya o wrinkle na lumalabas sa mukha, “We should be proud of the aging process. We should really embrace it. Every line na lumalabas sa mukha mo tanda yan e…badge!”
In fairness, ang sipag-sipag mag-promote ni Dawn ng pelikula nila ni Bitoy na “Family History” under GMA Pictures and Mic Test Entertainment, talagang iniikot niya ang mga prorama sa ABS-CBN at GMA 7 para imbitahan ang mga manonood sa kanilang pelikula.
Kasama rin nina Bitoy at Dawn sa movie ang Kapuso loveteam na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, Kakai Bautista, Mikoy Morales at marami pang iba.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending