Reklamo ni Yeng sa ospital ng Siargao national issue na
Ibang level na ang controversy na kinasangkutan ni Yeng Constantino, ha.
Nagsalita na kasi si Surigao del Norte 1st district Rep. Francisco Jose “Bingo” Matugas matapos mag-viral ang vlog ni Yeng where she was castigating the hospital and a doctor matapos maaksidente ang kanyang husband.
“Even if this accident did not happen, the upgrading of our hospitals and their facilities has always been one of our priorities.” That was Matugas’ statement as reported by a website.
Matugas defended the doctor named by Yeng in her online aria.
“She was depicted as an insensitive and uncaring public servant and this is something that I cannot support. While I welcome any constructive criticism that may be hurled against our programs, projects, and governance, I cannot countenance any form of bullying against hardworking public servants.”
One guy reacted and said, “Pinabayaan ba ng ospital ang asawa ni Yeng? Napanood mo vlog niya at nabasa mo po post niya? Pag punta na pag punta niya sa ospital kung saan kasama si Dra. Tan, initerview si Yeng at kinunan ng vital signs ang asawa niya, inassess siya, binigyan ng gamot para sa nararamdaman niya.
“Pina xray siya kaso nang malaman na sira, pina ultrasound na lang para malaman kung may fluid o fracture. Matapos un imbis na ibalik sa ER sa xray room siya nilagay kung saan na may aircon. Binasa pa ng doktor ang manual ng bagong equipment nila para lang sa asawa niya.
“Oo kulang sa kagamitan ang ospital pero di nagpabaya ang ospital at ang doktor. Normal nga lahat ng nakita sa kanya at vital signs niya all throughout ng ER stay niya.
“Kung sa kakulangan sa gamit huwag niyo isisi sa doktor at sa staff, sa gobyerno ng Siargao niyo isisi yan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.