Joshua kay Julia: Matapang ka, malalampasan mo rin yan | Bandera

Joshua kay Julia: Matapang ka, malalampasan mo rin yan

Ervin Santiago - July 25, 2019 - 04:47 PM

JULIA BARRETTO AT JOSHUA GARCIA

PINATUNAYAN ni Joshua Garcia na wala siyang galit sa kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto.

Kahit naghiwalay na sila ay napanatili pa rin nila ang kanilang friendship. Natuwa ang JoshLia fans nang mag-post si Joshua ng encouraging words para kay Julia sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan nito.

Patuloy kasing tumitindi ang pamba-bash kay Julia matapos iturong third party umano sa break up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. 

Talagang kawawa sa bashers ang dalaga dahil sa masasakit na salitang ibinabato sa kanya tulad ng Valentina, Anaconda, Ecabeche (read: kabit) at kung anu-ano pa.

Kaya naman to the rescue na si Joshua sa kanyang ex dyowa. Sa kanyang Instagram Stories, ni-repost  ni Julia ang message na ipinadala ng aktor.

“Malalampasan mo yan. I know you, you’re the strongest girl na nakilala ko. Takot nga ako sayo, eh,” mensahe ni Joshua na sinundan pa ng tila private joke nila ni Julia, “Baba car now.” Na sinagot naman ng dalaga ng, “Loko loko!” with matching fist bump emoji.

Hirit pa ni Julia sa paandar ng kanyang ex, “This guy knows how to find humor in everything.” 

Hindi man direktang tinukoy ni Joshua kung para saan ang message niya kay Julia, pinaniniwalaan ng madlang pipol na tungkol nga ito sa pamba-bash sa dalaga na siyang itinuturong dahilan kung bakit naghiwalay sina Gerald at Bea. 

Balitang inamin na rin daw ni Gerald sa tatay ni Julia na si Dennis Padilla na totoong nililigawan niya ang ex ni Joshua, pero ito’y after na nilang maghiwalay ni Bea. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending