Sigaw ng fans ni Julia: 'Karma is real' para sa 'panloloko nina Bea at Gerald kay Kim | Bandera

Sigaw ng fans ni Julia: ‘Karma is real’ para sa ‘panloloko nina Bea at Gerald kay Kim

Cristy Fermin |July 25,2019
facebook
share this

Sigaw ng fans ni Julia: ‘Karma is real’ para sa ‘panloloko nina Bea at Gerald kay Kim

Cristy Fermin - July 25, 2019 - 12:10 AM

MARAMING kalansay na nahuhukay ngayon sa nakaraan ang mga tagadepensa ni Julia Barretto na sinisisi at pinararatangan na mang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend.

Anaconda ang tawag ngayon ng mga bashers kay Julia, ang iba nama’y tinatawag siyang Valentina, dahil sa bintang na inagawan niya ng karelasyon si Bea Alonzo.

Pero natural lang na may bumabalanse rin sa usapin, may mga humuhusga rin kay Bea, karma lang daw ang tawag sa nangyari sa aktres.

Nu’ng minsan daw kasing magkaroon ng show ang mga artista ng Star Magic sa ibang bansa ay may nangyari. Magkarelasyon pa nu’n sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Ayon sa source, “Napakaagang tumawag si Kim sa hotel room ni Gerald, may usapan kasi sila na gigisingin niya si Gerald. Pero na-shock si Kim dahil ang sumagot sa phone, e, si Bea!

“Sa ganu’n kaaga, nasa hotel room ni Gerald si Bea? Ano ang ginagawa niya du’n? Di ba naman, ang maiisip lang ng kahit sino kapag ganu’n, e, sa room ni Gerald nagpalipas nang gabi si Bea?” kuwento ng impormante.

Ganu’n ang binabalikang kuwento ng mga kumokontra sa binitiwang pahayag ni Bea Alonzo sa social media tungkol sa cheating o panloloko.

Na-karma lang daw si Bea, kung totoo ngang sina Julia at Gerald na ngayon, dahil ganu’n din ang ginawa nu’n ng dalaga kay Kim Chiu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending