Ika-6 panalo asinta ng Generika-Ayala kontra Marinerang Pilipina
Laro Ngayon (Hulyo 23)
(Muntinlupa Sports Center)
4:15 p.m. PLDT vsSta. Lucia
7 p.m. Marinerang Pilipina vs Generika-Ayala
Team Standings: F2 Logistics (8-0); Petron (8-1); Foton (7-3); Generika-Ayala (5-4); Cignal (4-5); PLDT (2-6); Sta. Lucia (1-9); Marinerang Pilipina (0-7)
MAKABANGON sa masakit na pagkatalo ang asam ng Generika-Ayala Lifesavers sa pagsagupa nila sa Marinerang Pilipina Lady Skippers sa kanilang 2019 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference game ngayong Martes sa Muntinlupa Sports Center sa Muntinlupa City.
Habol ng Lifesavers ang ikaanim na panalo na magpapatibay ng kanilang puwesto sa itaas ng team standings sa kanilang alas-7 ng gabi na laro kontra Lady Skippers.
Samantala, hangad ng PLDT Home Fibr Power Hitters na mapagand ang kanilang posisyon sa paghaharap nila ng Sta. Lucia Lady Realtors sa alas-4:15 ng hapon na sagupaan.
Manggagaling ang Generika-Ayala sa masakit na pagkatalo sa kamay ng Foton Tornadoes, 16-25, 26-28, 15-25, noong Sabado subalit hindi naman kinakabahan si Lifesavers head coach Sherwin Meneses na sasandalan sina Patty Orendain, Fiola Ceballos, Angeli Araneta, Ria Meneses, Kath Arado at Bia General para makabawi ang kanilang koponan.
Hangad naman ng wala pang panalo na Marinerang Pilipina na wakasan ang kanilang pitong laro na pagkatalo.
Sasandigan ni Lady Skippers coach Ronald Dulay sina Ivy Remulla, Seth Rodriguez, Judith Abil, Caitlyn Viray at Chiara Permentilla para makapag-uwi ng panalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.