‘Sagip Pelikula’ ng ABS-CBN regalo para sa mga millennial | Bandera

‘Sagip Pelikula’ ng ABS-CBN regalo para sa mga millennial

Alex Brosas - July 22, 2019 - 12:30 AM

WE laud ABS-CBN’s “Sagip Pelikula” na naglalayong maipakilala ang mga klasikong pelikula sa bagong henerasyon ng mga manonood.

“Ipinakita ng Sagip Pelikula ang mga pagbabago sa mga dumaang henerasyon. Kung dati mga kwento lang ng magulang o lolo at lola natin, ngayon mas nararamdaman na ito. Magandang pagkakataon ang isang daang selebrasyon ng Philippine cinema para makapukaw pa ng interes ng tao,” pahayag ni Leo Katigbak, ang Head of Film Restoration.

“A lot of our problem kasi is survival of the materials. Actually, ang Sampaguita films, to my knowledge, halos lasog-lasog na ang negatives nila. ‘Yung mga napapanood n’yo sa TV, ‘yung video copies unfortunately, we cannot do the restoration from video copies. It would have to go back from the prints or the master negatives. Masuwerte kami ang Reyna Films natago nila ang ‘Mga Bilanggong Birhen’ kaya ganoon kalutong ‘yun, eh. But for the most part, karamihan ng restoration namin ay puro print ang ginagamit kaya nakikita ninyo ang difference. Kapag master negative iba ‘yung crispness ng video,” Leo said.

Among those recently restored were “Ibong Adarna,” “Malvarosa,” at “Anak Dalita” ng LVN Pictures; “Misteryo sa Tuwa” at “Soltero” ng Experimental Cinema of the Philippines; at “Mga Bilanggong Birhen” ng Perlas Films. Bibigyang-buhay din muli ang mga obrang “Tisoy” and “Bad Bananas sa Puting Tabing” ni Ishmael Bernal, “Tinimbang ang Langit” ni Danny Zialcita, at “Saan Ka Man Naroroon” ni Carlitos Siguion Reyna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending