Baguhang aktres for sale sa halagang P500K

By Reggee Bonoan July 22,2019
share this

Baguhang aktres for sale sa halagang P500K

By Reggee Bonoan July 22,2019
share this


“INALOK sa akin ‘yan noon kasama si ____ (wannabe actress) for P500,000, pero hindi ko type.” Ito ang diretsong sabi sa amin ng isang mayamang businessman.

Gulat na gulat kami sa kuwento ng aming source dahil bago pa namin siya nakausap ay may mga nagtsitsika na sa amin ng kung anu-ano tungkol sa ilang female stars.

Akala kasi namin ay kuwentong barbero lang ito. Bagama’t nababalita na rin noon pero hindi lang masyadong pinansin pero tanda namin, may nag-react na at ipinagtanggol ang sarili na hindi raw siya kasama sa grupong ito.

Anyway, ang aming source ay marami pang kuwento tungkol sa mga babaeng ito dahil sa totoo lang hindi mo sila pag-iisipan dahil nga wholesome ang mga imahe nila.

Hindi na namin idedetalye pa kung anu-ano ang ginagawa nila kapag wala silang masyadong raket na talagang ikinabigla namin.

“Hindi naman kasi sila sikat pa at nabibigyan ng trabaho. Sana nga magkaroon sila ng regular shows para hindi na sila ‘lumalakad’ kung saan-saan at kung kani-kanino,” ang sabi ng aming source.

Tinanong namin kung ano ang ibig sabihin ng terminong “lumalakad” dahil nga-yon lang namin ito narinig.

“Pokpok!” diretsong sagot sa amin. ‘Yun na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending