Lalaki patay matapos atakihin sa panonood ng laban ni Pacquiao vs Thurman
PATAY ang isang 41-anyos na lalaki matapos atakihin nang manood ng laban nina Sen. Manny Pacquiao at Keith Thurman sa Barangay Kalunasan, Cebu City.
Isinugod ang biktimang si Lorenz Dizon sa Vicente Sotto Medical Memorial Center (VSMMC) ganap na alas-1:35 ng hapon ilang minuto matapos dumating sa bahay mula sa panonood ng laban ni Pacquiao sa barangay hall, ayon kay Guadalupe Barangay Captain Michael Gacasan.
Sinabi ni Gacasan na isinakay sa ambulansiya ng barangay ang biktima para madala sa ospital dahil hirap na paghinga.
Dead on arrival naman si Dizon sa VSMMC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.