Madlang pipol naalarma sa rape scene ni Baron sa 'Probinsyano,' inirekalamo sa PNP | Bandera

Madlang pipol naalarma sa rape scene ni Baron sa ‘Probinsyano,’ inirekalamo sa PNP

Cristy Fermin |July 18,2019
facebook
share this

Madlang pipol naalarma sa rape scene ni Baron sa ‘Probinsyano,’ inirekalamo sa PNP

Cristy Fermin - July 18, 2019 - 12:20 AM

UMALMA ang mga kababayan natin sa mga eksenang ipinalalabas sa Ang Probinsyano, hindi nila nagustuhan ang mga ipinakikitang tagpo kung saan minomolestiya ng mga sanggano ang mga kababaihang pulis, lalo na ang pagkarga ni Baron Geisler sa walang kalaban-labang policewoman na ang insinwasyon ay pinagsamantalahan ng aktor nang dalhin sa isang lugar.

Kahit ang pamunuan ng PNP ay naalarma rin sa mga inirereklamong eksena ng manonood, meron na raw silang kasunduan nu’n tungkol sa kung hanggang saan lang ang maaaring gawin ng serye, pero mukhang lumalampas na naman sa kanilang pinag-usapan ang produksiyon.

Nagkakuwentuhan kami ng kaibigan naming propesor na tumututok sa serye tungkol du’n, ang kanyang sabi, “Para kasi pasamain ang character ni Baron, talagang ipinadukot sa istorya ang mga babaeng pulis, dinala sa kuta nila at saka pinaglaruan at pinagsamantalahan ng tropa niya.

“Natural hindi nga magugustuhan ng mga televiewers ang mga ganu’ng eksena. Ipakita bang binabastos ang mga kapulisan? Puwede naman kasing ikinulong na lang nila sa isang kuwarto, saka ikinandado nila ang door para hindi makatakas ang mga bihag nila!

“Pambabastos nga naman ang ganu’n, naka-uniform pa naman ang mga babae, tapos, pinaglalaruan sa mga eksena? Napakasama na nga ng character ni Baron, sungay na nga lang ang kulang sa kanya, pero kailangan pang magpakita sila ng mga bastusang eksena?” madiing pahayag ni prop.

Kumbaga sa bahay ay kailangan na namang kumpunihin ng serye ang kanilang script. Marami na naman silang iiwasang ipakita para hindi na sila binubulabog ng mga kababayan natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending