HOUSTON, TEXAS—Isang matagumpay na 2019 International Convention ng mga Jehovah’s Witnesses ang dinaluhan ng mga delegado mula sa ibat’t ibang panig ng mundo kasama na ang Pilipinas dito sa NRG Stadium noong July 12-14.
Sa isang daigdig na puno ng galit, napapanahon ang temang “Love Never Fails,” kung saan tinalakay na puwedeng puwedeng matagpuan ang pag-ibig!
Masayang makita ang mga delegado na iba’t ibang lahi, iba’t ibang kulay at bumibigkas ng iba’t ibang mga wika, bilang patunay na may umiiral na tunay na pag-ibig sa gitna nila.
Maraming mga Pilipino na nakabase na rin sa Texas, pati na mga OFW dito ang dumalo sa naturang okasyon.
Mainit ang pagtanggap ng mga Saksi ni Jehovah sa Houston mula pa sa airport hanggang sa paghahatid sa kanilang mga hotel. Sagana ang pagkain at nagsaayos ng mga tours para sa mga delegado.
Matututunan sa kumbensyong ito kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, saan ito matatagpuan, at kung paano ito maipapakita.
Sa araw ng Biyernes, tatalakayin kung paanong ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibigo. Malalaman din kung paano pasisidhiin ang pag-ibig ng isa kahit pinalaki pa ito na walang pagmamahal, may nagtatagal na sakit, o dumaranas ng kahirapan.
Matututuhan din kung paano makikita sa kalikasan ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng isang serye ng maiikling documentary video.
Sa araw ng Sabado, ipakikita ang mga simulain sa Bibliya na nakakatulong sa mga asawang lalaki, asawang babae, at mga anak na magpakita ng di-nabibigong pag-ibig para sa isa’t isa.
Sa araw ng Linggo, matututuhan kung paanong ang pag-ibig ay nakakatulong sa milyon-milyong mga tao sa buong mundo para mapagtagumpayan ang pagtatangi at pagkapoot sa pamamagitan ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Saan Matatagpuan ang Tunay na Pag-ibig sa Daigdig na Punô ng Galit?”
Ang serye ng kombensiyon na ito ay ginaganap mula pa noong Mayo hanggang Agosto 2019.
Sa Pilipinas, maaaring dumalo sa alinman sa mga sumusunod na lugar at pesta: Ynares Center, Antipolo City (July 19-21; 26-28), Camarines Norte Agro-Sports Center (July 19-21; 26-28), Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, Fairview, Q.C. (July 19-21; 26-28; August 2-4; 9-11; 16-18; 23-25), CLDH-EI Auditorium, Tarlac City (July 19-21; 26-28), Batangas City Sports Coliseum (August 2-4), Philippine Social Science Center Auditorium, Diliman, Q.C. (August 2-4; 9-11), Jesse M. Robredo Coliseum, Naga City (Aug. 2-4), Gilberto Teodoro Multi-purpose Center, Tarlac (August 9-11), Col Jesus R. Lapus Memorial Sports Complex, Tarlac (Aug. 16-18), Paco Arena Events and Sports Center, MM (Aug. 16-18), Cuneta Astrodome (Aug. 23-25). Para hanapin ang pinakamalapit na lokasyon sa iyo, bisitahin ang www.jw.org.
Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.