Male star na mapagpatol sa bashers may sikretong dapat nang ibunyag... | Bandera

Male star na mapagpatol sa bashers may sikretong dapat nang ibunyag…

Cristy Fermin |July 17,2019
facebook
share this

Male star na mapagpatol sa bashers may sikretong dapat nang ibunyag…

Cristy Fermin - July 17, 2019 - 12:40 AM

GINAGAWANG pulutan ngayon sa social media ang isang kilalang male personality na mahilig pumatol sa kanyang mga bashers. Matindi ang libido ng lalaking personalidad na ito kapag meron siyang mga itinuturing na kaaway nang malayuan.

Parang ‘yun ang kanyang bitamina, parang hindi kumpleto ang kanyang maghapon nang wala siyang inaatake, parang lumalabas na siya mismo ang naghahanap ng sakit ng kanyang ulo.

Unang chika ng aming source, “Nakapagtataka lang na parang ang dami-dami niyang bakanteng oras para sa pakikipag-away sa mga taong ayaw sa kanya. Palagi siyang aktibo sa pakikipag-argumento!

“Wala siyang pinalalampas, hindi talaga siya titigil hanggang hindi durog na durog ang basher niya, may kalupitan ang lalaking ‘yun!” napapailing na sultada ng aming impormante.

Siya ang sinasabing nagpasimula ng body shaming dahil talagang pinipintasan niya nang todo ang mga netizens na pumapansin sa kanya. Wala siyang patawad kahit pa babae ang kanyang kaargumento.

Balik-chika ng aming source, “May mga nagsasabing gentleman daw ang taong ‘yun. Paano mo masasabing gentleman siya, e, kung makapambastos siya ng mga taong pumapansin sa kanya, e, parang wala nang bukas?

“Grabe siya! Matindi ang iginaganti niya sa mga taong ayaw sa kanya at pumapansin sa kanila ng girlfriend niya! Talagang inilalampaso niya ang netizen, pinipintasan nang sobrang personal, ganu’n ba ang gentleman?

“Saan kaya nagmana ang male personality na ‘yun? Hindi kaya siya kinakausap nang masinsinan ng parents niya na hindi naman ganu’n ang ugali sa kanya?” tanong-opinyon pa ng aming impormante.

Palaging mainit ang ulo ng male personality sa social media. Ginagawa pa niyang comedy ang kanyang mga upak, pero halatado namang pikon siya, mahilig siyang mampikon pero siya ang de-primerang pikon.

Panghuling sultada ng aming source, “May problema siguro ang male personality na ‘yun na hindi lang niya mailantad! Hindi naman kasi ugali ng isang lalaki ang mga pinaggagagawa niya, e!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung anuman ang pinoproblema niya, e, ilabas na niya ‘yun! Para naman mabawasan ang init ng ulo niya, para naman makawala na siya sa hawla!”

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sino ang male personality na ito, kaya siguradong wala kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending