Herbert sa pagtatambal nila ni Kris sa movie: Aba, bakit hindi? | Bandera

Herbert sa pagtatambal nila ni Kris sa movie: Aba, bakit hindi?

Ervin Santiago - July 17, 2019 - 12:20 AM

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

Ngayong wala na sa City Hall ng Quezon City si dating Mayor Herbert Bautista, looking forward siya sa pagbabalik-showbiz.

Sa nakaraang awards night ng 3rd EDDYS Choice kung saan siya ang naatasang mag-present ng parangal para sa 2019 EDDYS Icon awardees, natanong siya ng entertainment media kung tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabalik sa acting.

Kinumusta rin ang pagsabak niya sa scriptwriting workshop under Ricky Lee, “Aral tayo para hindi naman nakakahiya,” chika ni Bistek.

Bukod dito, inaasahan na rin ang pagbabalik niya sa pag-arte at balitang kasado na ang mga gagawin niyang project this year, “Meron nang paparating, pero ayaw ko muna magsalita kasi baka sumabit.”

Sa tanong kung posibleng matuloy na ang pagtatambal nila ng kanyang ex-girlfriend na si Kris Aquino ngayong wala na siya sa puwesto, “Aba, bakit hindi? Kailangan ko nga ng trabaho e.”

Excited and happy din daw siya sa pagkakapili sa pelikula ni Kris bilang official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival, “In fact, dapat nasa mainstream siya and I think meron siyang Metro Manila Film Fest (MMFF) that’s good for her,” sey pa ni Mayor Bistek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending