Osang tumangging gumanap na nanay ni Sue Ramirez sa pelikula | Bandera

Osang tumangging gumanap na nanay ni Sue Ramirez sa pelikula

Reggee Bonoan |July 17,2019
facebook
share this

Osang tumangging gumanap na nanay ni Sue Ramirez sa pelikula

Reggee Bonoan - July 17, 2019 - 12:10 AM

ROSANNA ROCES

“Buti tinanggihan ko ‘yung kay Sue (Ramirez) bilang nanay niya, kundi apat ang pelikula ko diyan sa PPP,” ang komento ni Rosanna Roces nang i-post namin ang mga poster ng mga entries sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa Set. 13 hanggang 19.

“Bakit ka tumanggi?” tanong namin kay Osang. “Puno na ang schedule ko,” tipid na sagot ng aktres.

Oo nga, mabenta ngayon si Hazel (tawag namin kay Osang) sa pelikula. Gaganap siyang nanay ni Jameson Blake sa “G!”, gagampanan naman niya ang karakter na Vilma na nanay ni Christian Bables sa “The Panti Sisters” at kasama rin siya sa pelikulang “Circa.”

Pasundut-sundot ang shooting ni Osang sa mga nabanggit na pelikula dahil abala rin siya sa taping ng mga seryeng Los Bastardos at Project Kapalaran.

Ang sunod na tanong namin sa aktres ay kung paano niya nakakaya ang lumagare sa teleserye at pelikula, “Kailangang kayanin. Ha-hahaha! Alam mo na,” sagot niya sa amin.

Oo nga, labas-pasok kasi sa hospital ang nanay ng aktres at siya lang naman ang inaasahan sa kanilang magkakapatid bukod pa sa may mga anak din siya na maski na may mga sarili nang buhay ay hindi pa rin nawawala ang pagkananay niya.

Mukhang nagbago na nga si Osang dahil wala na kaming nababalitaang pa-saway siya sa set sabi nga niya, “Tapos na ako sa mga ganu’n. Seryoso na ‘to, hindi ko na pakakawalan itong chance na ibinibigay sa akin.”

Anyway, kung tatlo ang pelikula niya sa PPP3, saang premiere night kaya siya dadalo kung sabay-sabay itong magaganap?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending