Kilalang politiko galit na galit sa 2 news anchor, gustong ipatsugi sa TV network
NAGPALUTANG pala ng pagiging power tripper ang isang tapos nang magserbisyong pulitiko nu’n.
Masamang-masama ang kanyang loob dahil wala na raw ginawa ang dalawang news anchor ng isang network kungdi ang upakan siya.
Inipon ng pulitiko ang lahat ng episodes ng kanilang mga programa para gawing ebidensiya, talagang kumpleto ang mga hawak niyang resibo, ipinadala niya ’yun sa istasyon.
Kuwento ng source, “Actually, galit na galit ’yung politician sa dalawang male news anchors dahil wala raw nakikitang positive sa kanya ang mga ’yun.
“Kahit daw magaganda naman ang ginagawa niya, e, hinahanapan pa rin ng butas ng mga news anchors, ’yung negative side daw ang palaging ibinabalita nu’ng dalawang news anchors!
“Ganu’n siya kapikon! Hindi niya naman maaasahang lahat, e, sumang-ayon sa mga opinyon niya, di ba?
Hindi niya dapat hawakan sa leeg ang mga taong kinaiinisan niya dahil inire-report lang naman nila ang mga nangyayari sa bayan natin.
“Pero hindi ’yun tanggap ng politician, talagang paborito raw siyang upakan ng mga news anchors ng network, kaya inireklamo niya,” unang chika ng aming impormante.
At meron pa siyang ginawa na hindi naman pinatulan ng network, para siyang nagsalita sa mga bingi, hindi nasunod ang gusto niyang mangyari.
Balik-chika ng aming source, “Aba, ang gusto niyang mangyari nu’n, e, ang tanggalin sa network ang dalawang news anchors na palagi raw umuupak sa kanya!
“‘Yun lang daw ang makapagpapalamig sa ulo niya! Kailangan daw tanggalan ng mga programa ang dalawang taong kinaiinisan niya! Pero sorry na lang kay Mr. Politician, walang nangyari sa napakatindi niyang utos.
“Hindi nawala sa station ang dalawang anchors, tuloy pa rin ang mga programa nila, nabigo ang pulitiko sa gusto niyang mangyari!
“Naku, ha? Mukhang du’n nag-ugat ang malaking problema ngayon ng network, panahon pa kasi ng pulitiko nu’ng inaayos ang napakahalagang parte ng pagsahimpapawid ng network, pero hindi inaksiyunan ng pulitiko dahil nga sa matinding galit niya sa dalawang news anchors!” madiing pagtatapos ng aming source.
Ay, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, totoo ba ang kuwento, like brother, like sister?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.