CHARICE inulan pa ng swerte: Nag-sorry na, nagsisisi na raw sila sa mga sinabi nila sa akin!
PAGKATAPOS magpakatotoo at aminin sa buong mundo na isa siyang tomboy, nagkasunud-sunod na ang swerte sa kanyang buhay. Ibig sabihin, sopla ang mga taong nagsabi noon na mawawasak na ang career ng international singer dahil sa pagiging tibo niya.
Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang pag-amin ni Charice sa tunay niyang kasarian ay nagbukas pa sa mas maraming opportunities at mas maraming trabaho.
Ayon kay Charice, hindi rin niya inaasahan na darating ang mga ganitong pagkakataon sa buhay niya, dahil talagang inihanda na niya ang kanyang sarili sa nga kanegahang mangyayari sa kanyang pag-come out.
Ayon pa sa singer, naiintindihan naman daw niya ang mga taong nanlalait sa kanya, at nagpapasalamat siya sa mga nakipaglaban at nagtanggol sa kanya, “Siguro kasi isa rin sila sa mga tao na talagang iniisip nila na, ‘Sige na gawin mo na para hindi ka na rin nahihirapan.’
Isa sila sa mga nakahinga ng maluwag, siyempre, I want to thank them. Before naman ako mag-come out nandun yung doubts, eh, iniisip mo kung magiging okay ba lahat.
“Yung ginawa ko kasi parang either mawawala lahat or okay lang, so risky talaga. So thankful naman ako siyempre sa fans ko but thankful din ako sa mga haters na nag-apologize sa akin.
Nire-regret daw nila yung mga sinabi nila sa akin. Ngayon, parang ang lagi nilang sinasabi sa akin is, ‘Now I understand you’.”
Sa ngayon, wala nang kinatatakutan si Charice, pagkatapos ng mga pinagdaanan niya, parang wala na raw siya g hindi kakayaning problema at pagsubok, “Stronger kasi wala na kong tinatago unlike before napakaingat ko.
Ngayon kung ano yung nakikita niyo, ito na talaga ko.” “Ngayong nalabas ko na, nasabi ko na kung sino ako sobrang kumportable na ko at mas nakakapagtrabaho ako nang maayos, ngayon, we’re just free to work, work hard and everything.”
Bukod sa tinatapos na album ni Charice dito sa Manila, at sa concert nila ni Aiza Seguerra, umaasa siya na matutuloy na ang international album niya, “Meeting pa rin, tinitignan pa rin namin kasi ang focus pa rin namin is the album here pero aside from that nandun yung mga guestings.
Mag-fly kasi ako this August, I’m going to sing the national anthem sa Chicago and excited din ako kasi sa Germany.
“Finally makikita ko na rin yung mga Chasters dun, meron din akong photoshoots and somewhere in Asia I think that would be a great surprise for Chasters sa Asia, hulaan niyo na lang kung saan yan.
From the time that I came out magiging busy rin, sobrang busy and I hope magtuloy-tuloy yun,” sey pa ni Charice. At siyempre, hindi niya nakalimutan ang karelasyon niyang si Alyssa Quijano na kahit na pinuputakti ng kanegahan ay patuloy pa ring nakasuporta sa kanya, “I want to thank her for that and I know… she’s very talented and I know eventually magiging busy rin siya, hindi rin siya masyadong makakasama sa akin but ngayon na talagang nandiyan siya lagi to support me… yun yung magagawa namin sa isa’t isa, suportahan lang.”
Wala pa ring development sa relasyon nila ng kanyang ina si Mommy Raquel, “Hindi pa kami nagkakausap pero syempre still the same pero hoping na pag nakita niya tong mga to, tong mga trabaho na ginagawa ko sana ma-proud siya. I’m just praying always na maging maayos lahat and I know for sure magiging maayos.”
( Photo credit to google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.