Relasyong Vice-Ion suportado ng LGBTQ: Best couple ever!

By Alex Brosas July 12,2019
share this

Relasyong Vice-Ion suportado ng LGBTQ: Best couple ever!

By Alex Brosas July 12,2019
share this

VICE GANDA AT ION PEREZ

Parami na nang parami ang kinikilig sa rumored romance ni Vice Ganda kay Ion Perez.

Sa social media comments, talagang kinikilig ang netizens sa latest photo nilang dalawa na magkasama. Magka-holding hands kasi sila.

“HINDI KO NA KINAKAYA ANG MGA ITO! NAPAKA BRAVE NYO NA PAGPATULOY NYO PA. BEST COUPLE. #ViceIon.”

“Sasabug na ang puso ko sa kilig. #viceion.”

“THEIR SMILES ARE SO GENUINE!!!!”

“I’m super fan of #VICEION, im so proud of Ion for expressing his true feelings with meme Vice, i still believe that real men still exist. It’s really amazing that despite of discrimation and judgement of other people ipinaglaban nya si memen I’m so happy. Deserve ni Meme.”

Anyway, magiging blockbuster siguro ang rating ng Gandang Gabi, Vice kung si Ion ang magiging guest.

Tiyak na marami ang kikiligin kapag nangyari ‘yon.

We mean, kung solong maiinterbyu ni Vice si Ion sa show, ha.

Incidentally, last Sunday sa Gandang Gabi, Vice ay naloka kami sa playtime kay James Reid sa “Best Paandar” episode ng show. Pinaglaruan kasi siya dahil pinagbasa siya ng spiels sa iba’t ibang lengguwahe para sa TFC international subcribers. Nakakaloka ang huling spiel where James was made to read a message na baklang-bakla ang pagkakasulat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending