Tom vs Edgar Allan sa puso ni ‘Dragon Lady’

By Bandera July 12,2019
share this

Tom vs Edgar Allan sa puso ni ‘Dragon Lady’

By Bandera July 12,2019
share this

TOM RODRIGUEZ, JANINE GUTIERREZ AT EDGAR ALLAN GUZMAN

Speaking of Dragon Lady, sa nalalapit na pagtatapos nito sa GMA Afternoon Prime patuloy pa rin itong humahataw sa rating.

Nitong nakaraang Martes, nakakuha ito ng 6.0% sa NUTAM habang noong July 6 naman ay nakapagtala ang serye ng 7.2%.

At sa nalalapit ngang pagtatapos ng Dragon Lady, kailangan nang magpakatotoo ni Scarlet (Janine Gutierrez), sino nga kaya ang pipiliin niya kina Michael (Tom Rodriguez) at Goldwyn (Edgar Allan Guzman)?

Kayanin nga kaya ni Scarlet na malayo sa lalaking totoong itinitibok ng kanyang puso para lang masuklian ang utang na loob niya sa lalaking palaging nasa tabi niya para siya’y ipagtanggol sa mga kalaban?

At siyempre, hindi pa rin magpapatalo sina Astrid (Joyce Ching) at Vera (Maricar de Mesa) kaya abangan ang mga huling pasabog nila para makaganti sa mag-inang sina Scarlet at Almira (Diana Zubiri).

Magwagi nga kaya this time ang kasamaan laban sa kabutihan? Umubra kaya sila sa powers ni Dragon Lady?

Siguradong hindi n’yo kakayanin ang mga gagawin nila sa huling linggo ng Dragon Lady.

Kaya huwag nang bibitiw sa mas matitindi pang eksena sa Dragon Lady after Eat Bulaga, sa direksyon ni Paul Sta. Ana sa GMA 7 lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending