10 pelikula para sa PPP 2019 kumpleto na

By Reggee Bonoan July 12,2019
share this

10 pelikula para sa PPP 2019 kumpleto na

By Reggee Bonoan July 12,2019
share this

LIZA DIÑO

SA ginanap kahapon na #PPP2019GrandLaunch kahapon inihayag na ang apat pang pelikula na kukumpleto sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival ngayong taon.

Pinangunahan ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño ang announcement ng kumpletong line-up ng mga kasali sa PPP 2019.

Pasok ang “I’m Ellenya L” nina Iñigo Pascual at Maris Racal (Spring Films/N2 Productions); “G!” nina McCoy de Leon, Mark Oblea, Paulo Angeles at Jameson Blake (Cineko Productions); “Watch Me Kill” starring Jean Garcia and Jay Manalo (Greenlight/CineBandits Entertainment); at “Open” nina Arci Muñoz at JC Santos (BlackSheep/TRex Productions).

Ang tatlo pang pelikula na kasama sa PPP 2019 na inihayag noong Marso ay ang “Cuddle Weather” nina RK Bagatsing at Sue Ramirez (Project 8 cor San Joaquin Projects); “The Panti Sisters” na pagbibidahan nina Christian Bables, Martin del Rosario at Paolo Ballesteros (IdeaFirst Company); at ang “LSS” nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos (Globe Studios).

Bukod sa mga nabanggit na pelikula, mapapanood din ang tatlong full-length films na magiging bahagi naman ng Sandaan Feature Showcase. Ito ang mga sumusunod: “Lola Igna” nina Yves Flores, Angie Ferro at Merryl Soriano; “Circa” nina Anita Linda, Enchong Dee, Gina Alajar, Laurice Guillen at Elizabeth Oropesa; at ang “Pagbalik” starring Gloria Sevilla, Suzette Ranillo at Vince Ranillo.

Lahat ng entries ay mapapanood na sa mga sinehan simula Set. 13 hanggang 20, 2019 sa buong Metro Manila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending