Maine magbebenta ng mamahaling gamit; ido-donate ang kikitain sa mga mahihirap
MAGKAKAROON uli ng garage sale si Maine Mendoza ngayong Linggo.
Ibebenta niya ang kanyang pre-loved clothes, shoes, bags at iba pang designer items base sa tweet niya recently.
Of course, may mga beneficiaries na paglalaanan ng proceeds ng project ni Meng na tinawag niyang “Shop Bid Donate”.
Sa pagkakaalam namin, mapupunta ang ilang bahagi ng kikitain sa garage sale ni Maine sa kanyang “happy projects” para sa mga elderly at children in need.
Gaganapin ang garage at auction sale sa Edge of Light, 24D 11th Jamboree corner Sct. Rallos, QC at 2 p.m. Malapit lang ang venue sa GMA Network. Para sa iba pang reminders about this charity project, pakitsek ang Twitter account ni Maine.
Samantala, tungkol naman sa dating ka-loveteam ni Maine sa Kalyeserye ng Eat Bulaga na si Alden Richards, naging bahagi ang Pambansang Bae sa Global Media Launch ng latest movie niyang “Hello, Love, Goodbye” kahapon kasama ang leading lady niyang si Kathryn Bernardo at iba pang cast members ng movie.
This coming August, ang collaboration naman niya with Pinoy designer Avel Bacudio ang sorpresa niya sa kanyang supporters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.