Zia bata pa lang milyonarya na; mas yayaman pa pag nag-artista | Bandera

Zia bata pa lang milyonarya na; mas yayaman pa pag nag-artista

Bandera |July 09,2019
facebook
share this

Zia bata pa lang milyonarya na; mas yayaman pa pag nag-artista

Bandera - July 09, 2019 - 12:30 AM

ZIA DANTES

May pinagmanahan talaga ang napakaganda at bibong celebrity kid na i Zia Dantes!

Ikaw ba naman ang maging anak ng Kapuso Primetime King & Queen, ‘di ba? Sa Instagram post ni Marian Rivera, ibinida niya ang panganay na anak na sumasayaw at kumakanta sa awit ng kanyang commercial.

Kitang-kita na enjoy si Zia sa pagpe-perform kaya maraming fans at fellow celebrities ang natuwa sa kanyang paandar. Comment ng Daddy niyang si Dingdong Dantes, “May papalit na sa pagiging commercial mowdel!”

Kahit ang mga kapwa Kapuso stars nilang sina Jennylyn Mercado, Sheena Halili, LJ Reyes at Lovely Abella ay nahumaling din sa bata! Tama sila, may future nga sa showbiz si Ate Zia!

In fairness, siguradong ngayon pa lang ay milyonarya na itong si Zia dahil bata pa lang ay napakarami na niyang TV commercials.

At sure na sure rin kami na mas yayaman pa ang anak nina Marian at Dingdong kapag pumasok na rin siya sa pag-aartista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending