Mommy ni Kathryn sa bastos na bashers: Wag mong kuwestyunin ang pagiging nanay ko sa anak ko

By Bandera July 09,2019
share this

Mommy ni Kathryn sa bastos na bashers: Wag mong kuwestyunin ang pagiging nanay ko sa anak ko

By Bandera July 09,2019
share this

KATHRYN BERNARDO, MIN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

NAIMBIYERNA ang nanay ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min nang mabasa ang mga bastos na comments ng bashers sa social media tungkol sa kanyang anak.

Ito’y may kinalaman sa balitang kissing scenes nina Kathryn at Alden Richards sa pelikula nilang “Hello, Love, Goodbye.”

May ilang netizens kasi ang nagbalita sa nanay ni Kathryn na ilang fans ng dalaga at ng boyfriend nitong si Daniel Padilla at mga supporters ni Alden at ng dati nitong ka-loveteam na si Maine Mendoza ang nagpaplanong boykotin ang “HLG.”

Tweet ng isang nagpakilalang KathNiel fan, “Kasi naman bilang nanay hindi man lang nirespeto boyfriend ng anak at pinayagan makipaglaplapan sa ibang lalaki anak niya. ‘Yan ba sinasabi niyong role model?”

Hindi ito pinalampas ni Mommy Min at talagang niersbakan ang mga haters. Aniya, “Part ka ba ng creative? Malamang HINDI. Ang kinakalat mong kwento ay taliwas sa story.

“Ang pagiging NANAY ko ay huwag mong questionin kasi madami kang hindi alam. Sana kung maging magulang ka na, maging isa kang huwaran. Then tsaka mo ako balikan at kausapin,” inis pang dagdag nito.

Dinenay na ng KathNiel fans at ilang members ng AlDub Nation na hindi totoo ang tsismis na iboboykot nila ang “Hello, Love, Goodbye” na idinirek ni Cathy Garcia Molina under Star Cinema.

Showing na ito sa July 31 kung saan makakasama rin sina Maymay Entrata, Maricel Laxa, Joross Gamboa, Jameson Blake, Jerome Ponce, Maxine Medina at Kakai Bautista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending