Isko: Batang ama ng bagong Maynila | Bandera

Isko: Batang ama ng bagong Maynila

Jake Maderazo - July 08, 2019 - 12:14 AM

ISANG linggo pa lamang sa pwesto, nawala ang mga illegal vendors sa Divisoria, Recto ave., Avenida Rizal, Carriedo, Soler, Blumentritt.
Nabulgar din ang alok na suhol kay mayor na P5 milyon daw kada araw o P150 milyon sa isang buwan, at P1.8-bilyon sa isang taon.
Ayon sa kampo ni ex-mayor Erap Estrada, na-good time lang daw si Isko at hindi totoo ang sinasabing P5 mil-yon alok.
Pero, sinabi rin ni ex-Manila mayor Lito Atienza na totoong may mga sindikato sa lahat ng “commercial centers” sa Maynila na organisado mula kabo pataas. Pati mga opisyal ng pulis ay kasangkot dito, ayon pa kay Atienza.
Isa pang pinagkakaperahan ay ang illegal provincial bus terminal sa Plaza Lawton na ang lagayan ay P160,000 bawat araw, o P4.8 mil-yon isang buwan at P57.6 milyon kada taon. Ito’y kung papayag si Mayor Isko na pumasok sa Lawton ang mga bus galing ng Southern Luzon.
At dahil di siya pumayag, maluwag ngayon ang daloy ng trapiko sa Taft avenue hanggang sa Sta. Cruz o Quiapo.
Nagpapatrulya sa magdamag si Isko gamit ang sariling “social media camera team” at inikot ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Hospital sa Tondo, kinausap ang mga pasyente at nag-surprise visit din sa mga police community precincts ng mga pulis.
Pinabuksan din niya ang apat sa anim na na passageways ng Lacson Underpass malapit sa Simbahan ng Quiapo na dati’y sarado sa magdamag dahil ginawang “shopping mall” ng nakaraang administrasyon.
Problema ng basura, agad nawala at pati video karera at sugalan ay pinatigil niya.
Pero, ang mas may epekto sa baranggay ang pahayag niyang isuplong sa pulisya ang mga nagtatagong “wanted” sa Maynila kapalit ng pabuyang P50,000.
Kung si Pangulong Duterte ay tinatarget ang mga “drug pushers” at addict sa bawat baranggay, ito namang si Isko ay mga “wanted” o mga siga ang pinapahanap.
Pati mga nakaharang na “baranggay hall” sa kalye giniba ni Isko at ang ipinasarang Manila Zoo ay isasailalim daw niya ng rehabilitasyon.
Pero, napakalaki ng problema ni Isko sa pondo lalo’t baon sa utang ang lungsod.
Nabalitaan din natin na sa P14-bilyon taunang budget ng Maynila, may utang ito na P4-bilyon sa general fund at P1-bilyon sa special education fund.
Ibig sabihin, ang Maynila ay merong napakalaking “budget deficit” at hindi nakapagtatakang pumalpak ang “transition” o turnover ng mga dokumento.
Ayon sa GSIS, hindi nire-remit ng Manila city hall ang P214-mil-yon na “kontribusyon” ng mga empleyado rito kayat nanganganib ang kanilang mga benepisyo.
Bukod dito, inubos ng administrasyong E-rap ang natitirang pondo matapos unahing bayaran ang kanilang mga suppliers at kontratista ng P2.9bilyon nitong buwan ng Hunyo.
Sa lahat ng ito, napakatindi ng mga paghamon sa tinatawag ngayong “batang ama ng bagong Maynila”. Tatagal ba siya sa paghahabol sa mga illegal na gawain? Tatagal ba siya sa malakas na tukso ng corruption?
Mababantayan ba niya ang mga “protector” ng mga “illegal vendors” na protektado ng mga tiwaling pulis sa mga commercial centers ng Maynila? Maganda ang simula ni Mayor Isko Moreno at kaming taga-Maynila ay umaasang magtatagumpay siya.
Pero, marami ang magdududa. Totohanan at matagalan ba ito, o kwentong ningas-kugon muli?

Pakinggan at panoorin ang Banner story 8-9am DZIQ 990AM, Lunes hanggang Biyernes, at mag-email sa [email protected] para sa comments.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending