Gerald nagseselos sa reunion ng John Lloyd-Bea loveteam?
WALANG selos o inggit na nararamdaman si Gerald Anderson sa muling pagsasama sa isang proyekto ng girlfriend niyang si Bea Alonzo at dati nitong ka-loveteam na si John Lloyd Cruz.
Nagsama-sama kasi sina John Lloyd, Bea at Piolo Pascual para sa isang endorsement. Bukod dito, may mga chika pang posibleng magbalik-showbiz na si Lloydie anytime at si Bea raw ang una nitong makakatambal sa kanyang comeback project.
Kaya sa isang event, natanong si Gerald kung ano ang reaksyon niya sa reunio ng magka-loveteam, “Matagal ko nang alam ‘yun!” ang maikling sagot ng hunk actor.
Dito inamin ng binata na isa rin siya sa mga supporters ng JLC-Bea loveteam kahit noong wala pa siya sa showbiz, “Hindi ko sila kilala pero napanood ko sila sa TV. Hindi ko pa sila kilala, hindi ko alam na ganoon kalaking artista sila. Crush ko na si Bea noon pa.”
Sa katunayan, ang unang Pinoy movie na napanood niya ay ang “Now That I Have You” nina Bea at Lloydie.
“Mga 14 years old ako noon. Takbo kami sa sinehan, nag-tricycle pa kami papunta sa mall. Kumain kami ng Jollibee kasi nanalo kami sa basketball, so may pambayad kami,” aniya pa.
In fairness, ang crush niya noon ay dyowa na niya ngayon. Dagdag pa niya, isa siya sa mga nagpu-push na gumawa uli ng project together ang kanyang GF at si Lloydie.
“Sabi ko nga e, dapat gumawa na kayo ng pelikula. Doon kayo nakilala talaga, ‘yung love team ninyo. Maraming nakaka-miss sa inyo. Sobrang refreshing, ‘di ba?”
“Si John Lloyd, sobrang na-miss natin sa mga movies niya. I think lahat naman kami sa showbiz industry really look up to him and Piolo sa pagiging artista. It’s good to see him back. Sana tuloy-tuloy at bumalik na siya,” chika pa ni Gerald sa panayam ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.