Male singer grabeng bantot ng hininga, naiiwan ang amoy sa mic | Bandera

Male singer grabeng bantot ng hininga, naiiwan ang amoy sa mic

Cristy Fermin - July 05, 2019 - 12:40 AM

MATAGAL nang lumundag sa kanilang network ang isang magaling na male singer, pero hanggang ngayon ay nagiging sentro pa rin siya sa pagpipista sa kuwentuhan ng kanyang mga katrabaho, bumibida pa rin siya sa kuwento ng kanyang may kabahuang hininga.

Nagtataka lang ang magkakakuwentuhan kung bakit, samantalang buung-buo naman ang kanyang mga ngipin, wala namang diperensiya kung tutuusin kung du’n nga nanggagaling ang hindi kagandahang amoy ng kanyang hininga.

Kuwento ng aming source, “Ayun, sa rehearsals ng isang variety show, pinagpistahan na naman si ____ (pangalan ng magaling na male singer)! Aksidente lang naman ang pagkakabanggit sa name niya, pero nagtuluy-tuloy na ang mga kuwento!

“Nu’ng nandu’n pa kasi siya sa musical variety show na ‘yun, e, palaging siya ang subject ng mga bulungan ng mga production staff. Inirereklamo kasi ng mga co-singers niya ang microphone pagkatapos niyang gamitin!

“Naaalibadbaran sila sa amoy ng mike, may bad breath nga kasi si male singer, kaya minamarkahan ‘yun ng mga kasamahan niya. Kapag ginamit niya ang microphone A ang label, wala nang gagamit nu’n!

“Ibang mike na ang gusto nilang gamitin, kasi nga, sobrang baho ng mikropono kapag tapos na niyang gamitin! Kalat na kalat ‘yun, ang mga guests lang ng show ang walang alam sa kuwento!

“Pero isang female guest ang nagreklamo one time, bakit daw mabaho ang microphone na ipinagamit sa kanya? Halos hindi na raw tuloy siya makahinga habang kumakanta! Nagkatinginan ang staff ng show, nag-imbestiga sila, ‘yun na!

“Ang salarin! Ang microphone na kagagamit lang ng male singer sa isang production number! ‘Yun nga at wala nang iba pa ang ipinagamit sa nagrereklamong female guest!

“Kailangang bigyan ng attention ng male singer ang problema niyang ‘yun! Wala na nga siya du’n sa network na dati niyang pinagseserbisyuhan, pero hanggang ngayon, e, umeeksena pa rin ang bad breath niya sa mga kuwentuhan!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sino ang male singer na ito!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending