Jake Zyrus excited nang pakasalan ang GF na fitness coach, dietician
PINANININDIGAN ng transman singer na si Jake Zyrus ang pagiging pribado ng relasyon nila ng kanyang fiancée na si Shyre Aquino.
Walang masyadong balita tungkol sa estado ng kanilang relasyon ngayon kaya ang tanong ng madlang pipol, naghiwalay na nga ba sila? Tuloy pa ba ang kasal matapos maganap ang wedding proposal ni Jake last year?
Kaya bago pa mag-isip ng kung anu-ano ang followers nila ni Shyre, nag-post uli si Jake ng litrato nila together sa Instagram na may caption na, “I love you @coachshy.rnd (Shyre).”
Sinagot naman nito ng kanyang girlfriend ng, “I love you more. (Hayy… sobrang gwapo talaga. You make my heart melt).”
Kung matatandaan, mismong si Jake ang nag-announce sa social media na iaakyat na nila ni Shyre sa next level ang kanilang relasyon. Nag-propose siya sa dalaga at sumagot naman ito ng “Yes!”
Aniya sa isang panayam, excited na siyang pakasalan si Shyre at magmasama na bilang mag-asawa, “I don’t know what the future brings but I am looking forward to marrying the woman I love and be with the family I choose.”
Dalawang taon na ang relasyon ng dalawa, pero hangga’t maaari ay gusto ni Jake na maging private kahit paano ang kanilang relasyon para malayo sa mga intriga at kanegahan.
Alam n’yo ba na isang fitness coach, registered nutritionist and dietitian itong si Shyre at aminado ang dalaga na matagal na siyang fan ni Jake, kahit noong si Charice Pempengco pa ang transman.
“She started as a fan and I only met her in one of my shows. She is the outgoing type of person and I describe myself as an introvert. We both have learned to walk in each other’s shoes and manage to be the best versions of ourselves,” sabi pa ni Jake sa nasabing interview.
Sa nakaraang panayam pa kay Jake, sinabi nitong mas na-in love pa siya kay Shyre nang makilala pa niya ito nang lubusan, “It was how we handled the bad times. Doon ko na-realize, ‘I’m going to keep this person.’ Hindi lang dahil sa love and iyon ang pinakamaganda doon.”
“Usually sa isang relationship, first year pabebe ka pa. First month pa lang ng relationship namin, naging kumportable ako sa kanya.
“Noong time na nag-top surgery ako, siya ‘yung nag-alaga sa akin. Sinabi ko, I was going to transition, nakilala niya ako noong Charice ako at sabi niya sa akin, ‘Mahal kita kasi ikaw ‘yan,’” aniya pa.
Isa pa raw sa mga sikreto ng kanilang mas tumatatag pang relasyon ay, “Respect and understand each other’s beliefs, reach your dreams together, and enjoy success with the people who believe in you when no one else does.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.