TINATAYANG 137 bisita ang nalason habang dumadalo sa ola-90 kaarawan ni dating First Lady Imelda Marcos sa Pasig City, ngayong Miyerkules, ayon sa Philippine Red Cross (PRC) said.
“According to reports, an estimated 2,000 participants were present in which at least 137 individuals suffered vomiting and dizziness,” sabi ng PRC sa isang tweet.
Rumesponde ang walong ambulansiya ng Red Cross sa umano’y food poisoning sa isang privadong selebrasyon sa Ynares Sports Complex ganap na alas-11:20.
Ayon sa ulat, tinatayang 2,000 ang dumalo sa pagdiriwang kung saan 137 katao ang nagsuka at nahilo.
Sinabi ni PRC chairman Richard Gordon na dinala ang tatlong pasyente sa Rizal Medical Center at ginamot ang 25 iba pa.
“PRC medic teams are currently responding to an alleged food poisoning incident at the Birthday Celebration of Ms. Imelda Marcos at Ynares Sports Complex this morning,” sabi ni Gordon.
Iniimbestigahan pa ng Eastern Police District (EPD) ang panggyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.