Bistek may pelikula, teleserye agad pagbaba bilang QC mayor
CALL him plain Citizen Bistek. ‘Yan ang gusto ng dating Quezon City Mayor na si Herbert Bautista na itawag sa kanya ng publiko.
Matapos bumaba sa puwesto, dinalaw ni Herbert ang puntod ng mga magulang sa Holy Cross Memorial Park.
Malaking factor ang mga magulang ni Bistek sa naging achievements niya sa politika.
Eh, hindi naman siya masi-zero sa pagbabalik niya sa showbiz na una niyang naging mundo. Sa totoo lang, isang movie at teleserye na ang waiting sa kanya.
Pero kung meron siyang achievement as mayor na markado sa mga taga-QC, ‘yun ang pamana niyang P26 billion sa kaban ng siyudad at meron pang ilang bilyon na collectibles, huh!
Kaya sa lahat ng kanyang constituents, huwag na huwag maniniwala sa mga black propaganda na naglalabasan against him dahil maliwanag na puro fake news ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.