Matteo may pakiusap sa madlang pipol para sa mga sundalong Pinoy... | Bandera

Matteo may pakiusap sa madlang pipol para sa mga sundalong Pinoy…

Ervin Santiago - July 01, 2019 - 04:23 PM

MATTEO GUIDICELLI

INAMIN ni Army Reserve Command member na si Matteo Guidicelli na nagdalawang-isip ang kanyang pamilya at girlfriend na si Sarah Geronimo na payagan siyang pumasok sa miliary.

Kamakailan ay natapos na ng binata ang kanyang 30-day Scout Ranger training sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan kung saan talagang dumanas siya ng matinding hirap at sakripisyo.

Sa panayam kay Matteo, sinabi nitong nag-alala ang mga mahal niya sa buhay nang magdesisyon siyang maging sundalo.

“Siyempre bago pumasok, they all know how difficult this is. I’m 29 years old. All my classmates are 20. I’m in the middle of my career. Marami akong mga commitments. That’s one of the reasons kaya sinasabi nila, ‘Matteo, don’t do it. You’re cutting off your career,’” paliwanag ng aktor.

Pagpapatuloy pa niya, “I believed in it because I’m 29 and if I don’t do it today, I won’t be able to do it. Medyo late na nga eh. They were all hesitant sa beginning but after a while, nakita nila yung passion ko so okay naman na sila.”

Ibang klase rin daw yung feeling na makita sa kanyang graduation ang mga mahal niya sa buhay, kabilang na si Sarah na talagang all out ang support sa kanyang mga desisyon.

“Very touching. It’s very emotional because the psychological effect and physical effect of this is beyond my expectations. To see all these people’s support, even to see the parents of my classmates here is very touching.

“Because grabe ‘yung sacrifice nila. Hindi natin maiintindihan. Kayo hindi n’yo maiintindihan kasi wala kayo dito pero yung mga sundalo, they are heroes na kulang sa attention, ‘di ba?” aniya pa.

Sa tanong kung bakit nga ba niya gustong maging Scout Ranger, tugon ng binata, “Sa umpisa sinasabi ko sa lahat na dahil mahal ko ang bansa ko. ‘Yun ‘yung primary objective ko.”

“Along the way, marami akong natutunan sa sarili ko at sa ibang tao. ‘Yung skills set na natutunan ko dito, iba. Hindi mo matututunan kahit saan.’ Yung reasons marami na iyan, love for country, being Pinoy, self-discipline, being passionate, nationalism, patriotism. Marami, hindi ko na ma-explain. I do not regret any moment of this experience,” dagdag pa niya.

In fairness, si Matteo pa ang nakakuha ng highest grade (95.20%) sa 97 students na nakasama niya sa training.

Pero aniya, napakahirap ng pinagdaanan nilang lahat, “There are two points na I questioned myself and self-pity came about. The first four days, ‘yung transition period ko na sobrang hirap, sobrang self-pity. That’s when I thought baka hindi ko kaya? But the objective always came back to my mind.”

“The second time was in one of our activities, it’s called escape and evasion, what happens when you get captured by the enemy. Sabi ko baka hindi ko na kaya. But it’s all mindset. Nandito naman tayo,” pahayag pa ng boyfriend ni Sarah.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ngayong isa na siyang ganap na sundalo, may isang pakiusap lang ang aktor sa madlang pipol, “Kapag nakakita tayo ng sundalo sa mall man or sa airport man, kahit saan, magpasalamat tayo sa kanila. Sabihin lang natin, ‘Thank you for your service, sir, ma’am.’ Yun lang. High morale na sila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending