‘Bongga kung gagawa ng movie sina Regine at Sharon na mala-Bituing Walang Ningning’
NA-EXCITE ang fans nina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Songbird Regine Velasquez nang mag-post ang mga ito ng piktyur nila together sa kani-kanilang social media accounts.
May pa-hashtag kasi ang litrato nina Mega at Regine na “#seeyouinoctober.” Meaning, may niluluto nang proyekto para sa kanila na magaganap ngayong October.
Hindi naman nagbigay ng clue sina Mega at Regine kung anong project ito, kung pelikula ba, concert or TV show.
Feeling namin, sa isang TV show magsasama sina Mega at Songbird. Hindi kaya makakasama na rin si Regine bilang coach ng The Voice Kids kung saan coach din si Sharon? Todo plugging na kasi ang ABS-CBN sa nalalapit na pagbabalik ng nasabing reality singing search para sa mga bagets.
Aprub na aprub kami kung si Regine ang idadagdag na coach sa TVC kung totoo nga ang balita na isa sa mga original coach ay papalitan na. Ang alam namin, sure na ang pagbabalik nina Sarah Geronimo at Lea Salonga sa show, so si Bamboo kaya ang magbababu?
Imagine, kung matutuloy si Regine sa TVC, may Songbird na, may Sharon at may Sarah and Lea pa.
Grabe na ‘to! Ibang level, ‘di ba? Posibleng by October magsimula ang The Voice Kids kapalit ng Idol Philippines.
Pero kung ‘di naman sa TVP magkakasama sina Mega at Regine, okey pa rin kung magkakaroon sila ng back-to-back concert. At magandang idea rin kung gagawa sila ng movie together for the first time na mala-Bituing Walang Ningning o Bukas Luluhod Ang Mga Tala ang peg.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.