Bonggang make-over ni Diana sa 'Dragon Lady' wagi sa netizens | Bandera

Bonggang make-over ni Diana sa ‘Dragon Lady’ wagi sa netizens

- July 01, 2019 - 12:05 AM

MAS magiging palaban na si Diana Zubiri sa pagpapatuloy ng laging trending at top rating Kapuso afternoon series na Dragon Lady.

Sa episode ng DL nitong Sabado, ipinakilala na ni Yna/Scarlet ang kanyang inang si Almira (Diana) sa publiko. Talagang nagkaroon siya ng make-over para ibandera sa lahat ang mas katatakutang Almira.

Ito’y matapos ngang ipa-patay nina Vera (Maricar de Mesa) at Astrid (Joyce Ching) ang asawa niyang si (James Blanco). Mas tumindi pa ang galit nina Almira at Yna nang pasabugin pa ang bangkay ni Bryan sa mismong lamay nito.

Galit na galit ang mag-inang Almira at Yna kaya sumumpa sila na gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Bryan.

At bilang panimula sa kanilang #gameplan, goodbye na sa bait-baitang Almira and hello sa version 2.0 nito na ready nang lumaban sa mga “kampon ng kadiliman”. Hindi na raw siya iiyak at pananagutin ang lahat ng taong may atraso sa kanya.

Ang mga susunod na plano ni Almira laban kay Vera ay tiyak na ikagugulantang ng manonood kaya huwag na huwag na kayong bibitaw sa Dragon Lady.

Samantala, tutukan din ang mga susunod na pasabog ni Janine sa laban kay Astrid na si-guradong maloloka na naman kapag muling nagkrus ang kanilang landas. Malapit nang malaman ni Yna kung sino talaga siya at ang mga bahong itinatago nila ng inang si Vera.

Bukod dito, kailangan n’yo ring tutukan kung ano ang big twist sa love story nina Yna at Michael (Tom Rodriguez) at sa pilit na pagmamahalan nina Yna at Goldwyn (Edgar Allan Guzman). Isa pa ito sa magpapasakit ng ulo at puso ni Yna. Ano nga kaya ang gagawin ni Goldwyn kapag nalaman niyang si Michael pa rin ang mahal ni Yna?

Patuloy na subaybayan ang Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending