Kris inalok ng 'compromise agreement' si Nicko Falcis | Bandera

Kris inalok ng ‘compromise agreement’ si Nicko Falcis

Cristy Fermin - June 29, 2019 - 12:50 AM

KRIS AQUINO AT NICKO FALCIS

Sana nga ay mauwi pa rin sa pagkakasundo ang matinding giyera sa piskalya ng kampo ni Kris Aquino at ng pamilya Falcis nang kasuhan niya si Nicko na dati niyang pinagkakatiwalaang staff.

Kailan lang ay nagpadala ng text message si Kris kay Nicko, ang buod ng mensahe ay para sa isang compromise agreement, maraming nag-aabang ngayon kung ano ang magiging desisyon ng pamilya sa iniaalok na posibilidad ng aktres-TV host.

May mga sumasang-ayon, pero mas marami ang kumokontra sa ideyang ihinain ni Kris sa kanyang kinasuhan, dapat daw magkaroon ng leksiyon si Kris sa kanyang ginawang pagsira sa pamilya ni Nicko Falcis.

Huwag daw sanang tanggapin ng pamilya ang compromise agreement na hiling ni Kris, nasira raw ang kanilang pamilya sa mga asuntong isinampal ng aktres-TV host kay Nicko, makipaglaban na lang daw sana sila hanggang sa huli.

Sa pitong kaso ng estafa at qualified theft na isinampa ni Kris laban kay Nicko ay dalawa na lang ang natitirang kaso na wala pang resolusyon. Sa Quezon City at sa Taguig nakasampa ang dalawang kaso.

Ang tatlo ay dismissed na, ang dalawa ay si Kris mismo ang nag-withdraw, kaya malaking-malaki ang pag-asa ng pamilya ni Nicko na ibabasura rin ang dalawang kaso pang natitira.

Mapagbiro nga naman ang kapalaran, nu’ng una ay si Kris Aquino ang gigil na gigil na magpatuloy ang mga kasong ihinain niya laban kay Nicko, pero ngayon ay siya pa ang humihingi ng pakikipagkita sa gitna.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, kung hindi inconsistency ang tawag du’n ay ano, basta-basta lang?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending