Maynilad pinagmumulta ng MWSS dahil sa service interruption noong Mayo
PINAGMUMULTA ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Maynilad Water Services Inc. matapos ang naranasang water interruption sa Las Piñas noong Mayo, 2019.
Nagdesisyon ang MWSS Board of Trustees na ipataw ang multa sa pamamagitan ng rebate para sa mga kostumer ng Maynilad sa apektadong lugar lugar.
Base sa pahayag mula sa MWSS’ Regulatory Office, aabot sa P2,500 rebate kada account ang dapat ipatupad ng Maynilad sa matinding naapektuhang lugar sa Barangay Captain Albert Aguilar.
“The MWSS RO will facilitate the implementation of the rebate to all affected customers as soon as possible and would like to assure the public that it is doing everything in its power to protect their interest,” sabi ni MWSS RO.
“The term severely-affected” applies to customers who were deprived of water service with a minimum pressure of seven psi (pounds per square inch) for more than 15 days,” ayon pa sa MWSS RO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.