Wala nga ba sa Bokabularyo nila ang salitang Umuwi? | Bandera

Wala nga ba sa Bokabularyo nila ang salitang Umuwi?

Susan K - June 28, 2019 - 12:15 AM

SA loob ng 22 mga taon nang patuloy na paglilingkod ng Bantay OCW, maraming mga kababaihang OFW ang nakilala namin at personal na narinig ang kanilang mga kuwento.

Isang ina na may limang anak sa Ilocos ang magdadalawampung taon na ngayong naglilingkod sa iisang employer sa Hongkong.

Maglalabing-dalawang (12) taon naman na nagtatrabaho bilang domestic worker ang isang single mother na may tatlong (3) anak sa Singapore.

Dalawa naman ang anak ng OFW na naglilingkod sa Taiwan may sampung taon (10) na rin ngayon ang nakararaan. Iniwan ‘anya siya ng asawa at sumama sa ibang babae.

Batugan naman ang asawa ng OFW na ina ng apat na mga anak at kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa Macau.

Mapapansin nating iisa rin lang ang dahilan ng pangingibang-bayan ng mga kababaihan nating ito. Ang maghanap-buhay ng nagsosolo kahit tinalikuran na sila ng kani-kanilang mga asawa at itinaguyod ang kanilang pamilya.

Nais nilang mabigyan ng magandang buhay ang mga batang ayon mismo sa kanila ay pinagkaitan na nga ng ama.

Tulad din nila, maraming nagtagumpay at nagtatagumpay na mga Pinay OFW. Kaya lang, kahit nakatapos na ang mga anak na pinag-aral at nakapag-pamilya pa nga ang ilan sa mga anak na ito, tila ayaw nang huminto ng ating mga OFW sa pag-aabroad.

Gusto na nila ang buhay sa ibayong dagat. Kahit anong pilit na ngayon ng kanilang mga anak at kaanak na umuwi na sila, huminto na at magpahinga naman, tipong hindi kasama iyon sa kanilang bokabularyo.

Bakit nga ba? Nagustuhan o nasanay na nga ba sila na mamuhay mag-isa? Sapat na bang tinanggap nila na magpapadala na lang sila ng pera sa pamilya? O masaya na rin naman sila kahit nalulungkot sa pamilya, gayong nagtatrabaho sa abroad, may pera naman sila at may kalayaan pa.

Anuman ang dahilan ng ating mga kababayan, sila rin ang nakakaalaam noon. Pero iisa nga ang obserbasyon ng nakararami, ayaw na talaga nilang umuwi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending