Gazini Ganados sa amang Palestinian: Sana makilala kita, hindi ako galit sa ‘yo
MAY ultimate advice si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados sa lahat ng mga girls na balak sumali sa mga beauty pageant, kabilang na ang Binibining Pilipinas.
Ayon kay Gazini, hangga’t maaari ay umiwas muna ang mga aspiring beauty queens sa social media lalo na sa pagbabasa ng mga kanegahan o pamba-bash ng netizens dahil malaki ang magiging epekto nito sa diskarte at disposisyon ng isang kandidata.
Tulad na lang ng naranasan niya matapos manalong Miss Universe Philippines 2019 sa Bb. Pilipinas, talagang marami rin ang natanggap niyang hate messages dahil sa naging performance niya sa Question and Answer portion ng pageant.
“I appreciate the criticism because I know that there’s still so much to learn so many to improve in myself and the first step is accepting it and then innovating it.
“Ang ayaw ko is when bashers go under the belt, beyond na sa sarili namin ang kini-criticize sa amin not only me but other Binibinis as well,” pahayag ng dalaga sa panayam ng Tonight With Boy Abunda.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Gazini na siya ang magre-represent ng Pilipinas sa 2019 Miss Universe.
“It’s very overwhelming sometimes napapatulala na lang ako and asked myself, ‘Totoo ba?’ I hoped for it, I wished for it,” aniya.
Nang tanungin kung sino sa mga Bb. Pilipinas 2019 candidates ang kino-consider niyang pinakamatinding kalaban, tugon ng dalaga – ang kanyang sarili dahil, “There will be days where you will be doubting yourself if you’re worth it.”
Samantala, sa hiwalay na interview kay Gazini, pinasalamatan nito ang kanyang inang si Carmencitta na proud na proud ngayon sa kanya.
“Alam niyang love ko siya kahit hindi na masyado akong nakakauwi. Kasi nga ang daming ganap sa buhay, pero alam naman niya, kaming dalawa na lang ang nandito, kasi my grandmother just passed away,” sabi pa ni Gazini.
Dito rin nanawagan ang beauty na sana’y makilala na niya ang kanyang Palestinian father na hindi pa niya kailanman nakikita.
“I’m still hoping na maybe I could meet him someday. Pero hindi naman nagkulang yung mom ko na pinalaki niya ako ng maayos. Binigay niya sa akin lahat ng love na kailangan ng isang bata,” aniya pa.
Mensahe pa niya sa kanyang tatay, “To my dad, or to my papa who I never met. Hoping to meet you someday. And I never had a grudge of how and why I didn’t have a dad, because everything happens for a reason. Ayun, I hope to meet you someday.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.