Jhong may kissing scene sana kay Manoy sa pelikula: Hindi natuloy | Bandera

Jhong may kissing scene sana kay Manoy sa pelikula: Hindi natuloy

Ervin Santiago - June 26, 2019 - 12:35 AM

JHONG HILARIO

Sa pagpanaw ng award-winning actor na si Eddie Garcia, umaasa rin ang TV host-actor-politician na si Jhong Hilario na mas magiging maingat at responsable ang lahat ng involved sa isang production.

Aniya, maging eye-opener sana ito para sa kapakanan ng lahat ng mga artista sa Pilipinas. Namatay si Manoy matapos umanong mapatid sa cable wire ng production habang kinukunan ang maaksyong eksena niya sa serye ng GMA 7 na Rosang Agimat.

Ang pagbagsak sa semento ng aktor ang naging sanhi ng cervical fracture at pagka-comatose nito hanggang sa pumanaw na ito noong June 20.

Sa last night ng wake ng veteran actor-director noong Linggo ay isa si Jhong sa nagbigay ng eulogy.

Huling nagkasama ang dalawa sa Kapamilya primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nagmarka sa mga nasa taong lamay ang sinabi ng TV host-actor na, “Sana itong pagkawala niyo, e, makatulong nang malaki kung ano po ang nararapat sa bawat artistang Filipino.”

Naikuwento rin ni Jhong na dapat sana’y makakasama siya ni Manoy sa pelikulang “Bwakaw” (2012), kung saan gumanap na beki ang veteran actor. Dito, sinabihan siya na magkakaroon sila ng kissing scene ni Manoy Eddie. Pumayag naman daw si Jhong na gawin ang kissing scene dahil idol na idol niya ang veteran actor.

Ngunit hindi nga siya natuloy sa pelikula dahil hindi umubra ang kanyang schedule. Si Rez Cortez ang pumalit sa kanyang role.

Saludo rin si Jhong sa pagiging gentleman ni Manoy, bukod pa sa galing nitong makisama sa lahat ng kanyang nakakatrabaho, “Yung galing po ni Tito Eddie, hindi lang po sa acting ang galing niya po.

“Pagdating sa mga katrabaho, ultimo sa utility hanggang sa mga crew, at hanggang sa mga artista, yung pakikisama, yun po ang mananatili sa amin. Yun po ang isang tunay na magaling na artista.”

Sa isa namang awards night, nasabi rin ni Jhong kay Eddie na kinokopya niya ang style nito sa pag-a-adlib, “Sabi ko sa kanya, ‘Tito Eddie, aaminin ko po sa inyo, lahat ng adlib ko, sa inyo ko po yun kinukuha.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dahil pagdating po talaga sa adlib, si Tito Eddie, napakadami po talagang baon,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending