KZ pinaglaruan ni Vice Ganda, hilung-hilo habang kumakanta
Grabe ang pinaggagawa ni KZ Tandingan sa 8th anniversary ng Gandang Gabi, Vice.
After the opening number, sumalang agad si KZ sa iba’t ibang challenge upon the request of Vice Ganda.
She didn’t balk from the challenge and she wholeheartedly did it with aplomb.
The first challenge was her to sing while naghihiwa ng sibuyas. Sa “Try Not To Cry” challenge ay hindi dapat siya maiyak habang kumakanta’t naghihiwa ng sibuyas sa tulong ng gay comedians na sina Negi, Chad Kinis at Brenda Mage.
Sa “Iduyan Mo Ako” challenge ay pinakanta si KZ ng “Mahal Ko o Mahal Ako” habang pinagpapasahan siyang itulak ng gay comedians. Naka-harness si KZ habang kumakanta.
In the ultimate challenge called “Zorb” ay kinanta niya ang “Rolling in the Deep.” Pinaikot-ikot ang zorb kung saan nakapaloob si KZ kaya hilung-hilo ang hitad pero game pa rin siya sa pagkanta.
Kaloka ang pagiging game ni KZ, ha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.