Bakit napaiyak si Jed Madela sa kanyang ‘Higher’ concert sa Cebu?
ON-GOING ang pre-production months ago ng magkaroon ng aberya sa “Higher” concert ni Jed Madela sa Cebu. Hindi ko na lang babanggitin kung sinu-sino ang mga taong involved dito.
Pero sa kabila nito, hindi pa rin nagpatinag ang world class singer. Itinuloy pa rin ni Jed at ng kanyang local producer ang concert at hindi nagpaapekto sa kanegahan ng ibang tao.
At nitong nakaraang June 21 nga ay matagumpay na nalampasan ng Kapamilya singer ang lahat ng pagsubok na kanilang pinagdaanan dahil sa success na natamo ng “Higher” na ginanap sa Waterfront, Cebu.
Talagang napaiyak si Jed pagkatapos ng concert pati na ang buong production dahil sa sobrang kaligayahan.
“Kuya Dom, hindi ko ine-expect na full house siya. Hindi ko ine-expect na mapupuno ang venue namin that night!” bulalas pa ni Jed habang kausap ko sa kabilang linya.
“Ang dami kasing nangyari before the concert. I pointed it out na go straight lang ako. I stayed focused and it was truly a surprise to me. Kinabahan ako bago ako lumabas ng stage.
“Pero nu’ng makita kong punumpuno ang venue, sabi ko, this is it! Lalo akong na-excite to give them what they truly deserve, na mapanood sa akin that night and God is really good!” pahayag pa ni Jed.
“I cried after my last spot. We cried kasama ang buong production team. It’s because, sobrang thankful ako dahil yung response din sa akin ng tao, wow, what an audience and I know hindi ko naman sila binigo!” aniya pa.
Hindi naman talaga matatawaran ang husay ni Jed bilang performer, all in siya kapag nasa stage na. Sa bawat performance ni Jed, saan mang panig ng Pilipinas at iba pang bahagi ng mundo ay pinupuri siya at nabibigyan as always ng standing ovation.
Isang kilalang biritero, world class singer at performer si Jed at hindi na niya kailangan pang patunayan na magaling siya. Ang publiko na mismo ang nagsasabing siya ang tunay na total performer na kahit magbayad ka ng libu-libo sa concert niya, sulit na sulit ang pera mo!
Sa mga susunod na buwan, abangan ang nationwide tour ng “Higher”, iikot si Jed sa Davao, GenSan, Iloiolo at Baguio!
Congrats Jed!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.