#Miss na miss: Sarah hindi na nakatiis, dinalaw si Matteo sa kampo ng militar | Bandera

#Miss na miss: Sarah hindi na nakatiis, dinalaw si Matteo sa kampo ng militar

Ervin Santiago - June 23, 2019 - 12:44 PM

HINDI na marahil kinaya ng Pop Royalty na si Sarah Geronimo ang sobrang pagka-miss kay Matteo Guidicelli kaya dinalaw na niya ito sa kampo ng militar sa Bulacan.

Balitang kasama ni Sarah na nagpunta sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan kamakailan ang pamilya ni Matteo para personal na dalawin ang binata at kumustahin ang kalagayan nito.

Nasa Camp Tecson ang Kapamilya actor para sa 45 araw na training bilang Scout Ranger. Pumasok sa kampo ang binata noong May 27 at nakatakdang lumabas sa July 1.

Base sa mga post ng fans nina Sarah at Matteo sa Instagram noong June 15 nakunan ng litrato ang singer-actress na bumisita kay Matteo sa gitna ng training nito bilang Philippine Army reservist.

At base sa mga nakuhang pictures ng AshMatt fans, kasama rin ni Sarah ang parents at mga kapatid ni Matteo nang bisitahin nila ang military camp kung saan nagte-training ang aktor.

Dagdag pa rito, may isa pang litrato si Sarah kung saan katabi nito ang  kasamahan ni Matteo sa training.

Ang paniwala ng mga fans, nauna nang dinalaw ng dalaga ang kanyang boyfriend noong June 6 sa Camp Tecson. Ibig sabihin lang nito talagang gagawa ng paraan at maglalaan ng oras si Sarah para kay Matteo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending