Si hubby friends with his ex | Bandera

Si hubby friends with his ex

Beth Viaje |June 21,2019
facebook
share this

Si hubby friends with his ex

Beth Viaje - June 21, 2019 - 12:15 AM

DEAR Ateng Beth,
Ako po si Honey mula sa Zamboanga. Gusto ko pong humingi ng advice mula sa inyo. May asawa po ako at meron na kaming anak.
Ang problema ko po ay itong ex ng mister ko. Lately nahuli ko na nagkikita sila, pero sabi ng asawa ko friends lang daw sila, pero iba ang pakiramdam. Feeling ko ay may relasyon sila.
Tingin ko ay may gusto pa ang asawa ko sa dati niyang girlfriend. Kasi pag magkasama kami at nagkataon na nagkikita sila ng ex niya, for example sa mall, ay naiilang ang mister ko. Lumalayo siya sa akin.
Tinatanong ko naman po sa kanya kung may nararamdaman pa ba siya para sa kanyang ex, sabi niya, wala na raw. Pero iba naman ang ipinapakita niya na parang meron pa.
Ano po ba ang gagawin ko?

Hello, Honey!
Isa siguro ako sa mga taong naniniwala na mahirap maging magkaibigan ang dating magkarelasyon o “exes”.
Kung hindi ka komportable sa pakikipagkaibigan ng asawa mo sa ex niya, dapat ipaalam mo ito sa kanya. Sabihin mo na gusto mong magtiwala pero mahirap itong gawin kung sa tuwing kasama ka niya at nagkikita sila ay nilalayuan ka niya. Sabihin mo ito ng straight sa iyong asawa.
Do not keep this issue from him if this bothers you a lot. Karapatan mong sabihin ito sa kanya.
Next is to wait and see what his reaction would be. Kapag defensive, magduda ka. Kapag, malumanay at nagrere-aassure s’ya na walang malisya ang pakikipagkaibigan niya sa ex then give him the benefit of the doubt.
But, tell him na hindi ka magiging komportable lalo na kung single pa yung ex n’ya.
Kung mahal ka ng asawa mo, he will honor this and respect how you feel. If he continues this without care, alam mo na…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending