Rotational water service interruption nakaamba
ASAHAN na umano ang rotational water service interruption sa Metro Manila at Bulacan kapag binawasan na ang suplay ng tubig mula sa Angat dam.
Sa isang pahayag sinabi ng Manila Water, isa sa mga water concessionaire sa National Capital Region na magkakaroon ng epekto sa kanilang normal na serbisyo ang pagbabawas ng suplay ng tubig mula sa Angat.
“Expect rotational water service interruptions which will be announced the soonest possible time,” saad ng Manila Water.
Umapela ang Manila Water sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig. “We again appeal to the public to conserve water and pray for heavy rains to come in the Angat watershed area.”
Ngayong umaga ng lebel ng tubig sa Angat dama y 161.78 metro, malapit na sa 160 critical level nito na maaaring maabot sa susunod na tatlong araw.
Ipinanukala ng Technical Working Group na bawasan ang suplay na tubig sa Metropolitan Water and Sewerage System mula sa 46 cubic meters per second at gawin na lamang 40 cms simula sa Hunyo 19 hanggang 29 bilang preparasyon sa Low-Level Outlet. Ang MWSS nanggagaling ang tubig ng Manila Water at Maynilad.
“This is to lessen the significant effect of limited water supply in the coming days.”
Kung tuluyang bababa ang lebel ng tubig ay babawasan muli ang suplay na tubig.
“On June 22, assuming that the 160-meter level is breached based on the projection, another adjustment will be undertaken in the MWSS allocation because the auxiliary unit will be shut down. However, it is assured that at least 36 cms will be allocated to MWSS until the dam further declines to 150 meters assuming that there is no significant inflow.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.