Lalaking na-bash dahil hindi nagpaupo ng babae sa MRT sinuwerte | Bandera

Lalaking na-bash dahil hindi nagpaupo ng babae sa MRT sinuwerte

Alex Brosas - June 17, 2019 - 12:30 AM


NAG-DONATE ng tig-isang million ang Frontrow Cares, ang foundation ng Frontrow International headed by RS Francisco and Sam Versoza, with reigning Miss Universe Catriona Gray, one of Frontrow ambassador.

Recipient ng P1 million ang Love Yourself at ang Young Focus Foundation habang ang Hope for Change naman ay nakatanggap ng US$15,000 mula sa Miss Universe Organization.

“Formally, siguro mga two and a half years na ang Frontrow Cares. Pero tumutulong na kami dati pa, nag-start ‘yan 2006.

“I remember, noong una nakita namin sa bank account namin noong 2013 na meron kaming P1 million extra. Sabi namin, mag-Christmas party tayo nang bongga. Four years na tayong nagwo-work, may extra tayong one million pesos. Sabi ni Sam, ‘hindi, pagawa na lang natin ang office kahit medyo luma na.’

“‘Oo, tama. Eh, biglang nag-Yolanda. Tapos nakita namin sa TV walang makain. Sabi namin, i-donate na lang natin sa Yolanda victims. So, we spoke to ABS-CBN Foundation,” kuwento ni RS.

“I don’t know if you know the MRT guy, ‘yung binash kasi hindi pinaupo ‘yung isang girl. We reached out to that guy kasi ayokong isipin niya na malas naman, pagod na pagod na ako galing work. Wala naman akong ginawa sa babaeng ‘yun tapos binash niya ako.’

“Gusto kong isipin niya na hindi siya malas. Sinagot namin ang tuition fee niya hanggang mag-graduate siya. He was second year college at that time. Sabi ko ‘wag ka na mag-work para maka-focus ka sa studies mo,” dagdag pa niyang chika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending