Actor-director sobrang bantot ng paa, bff na male star suka nang suka

By Cristy Fermin June 17,2019
share this

Actor-director sobrang bantot ng paa, bff na male star suka nang suka

By Cristy Fermin June 17,2019
share this

HANGGANG ngayon ay hinding-hindi pa rin makalimutan ng kanyang mga kasirkulo ang isang dating young actor na madalas nilang makasama sa paglalaro ng basketball.

‘Yun ang kanilang bonding pagkatapos ng kanilang pagpapagod-pagpupuyat sa shooting at taping. Isang van lang ang ginagamit nila, iniiwanan nila ang kanilang mga sasakyan sa parking lot ng kanilang network, nagsisiksikan sila sa van.

Kuwento ng aming source, “Nakaamoy na ba kayo ng patay na daga na isang linggo nang patay, pero hindi pa rin nadidiskubre ng owner ng bahay?

“Ganu’ng-ganu’n ang amoy ng paa ng male personality na ‘yun! Talagang pagkatapos nilang mag-basketbal, sa harapan na ng van nila pinauupo si ____ (pangalan ng hanggang ngayo’y aktibo pa ring male personality)!

“Kasi nga, nangangamoy ang mga paa niya! Sobrang nakakasulasok ang amoy, kaya sa harapan na siya pinauupo, mag-isa lang siya du’n!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Palaging ganu’n ang ginagawa nila, kapag tapos na silang maglaro, ang driver na ang katabi ng male personaity para silang dalawa lang ang nagkakaamuyan.

Patuloy ng aming source, “E, nu’ng minsan, sobrang init na init na siguro ang male personality, kaya hindi lang ang sapatos ang hinubad niya!

“Naghubad din siya ng medyas, saka itinapat niya ang magkabilang paa niya sa aircon! Naku, nagkandasuka ang mga co-players niya sa likuran!

“Hinding-hindi makakalimutan ng bestfriend niya ang umagang ‘yun! Hindi pa kasi sila kumakain, papunta pa lang sila sa coffee shop ng isang five-star hotel para du’n sila sama-samang mag-breakfast!

“Dyusko, ang bestfriend ni male personality, para siyang nausog! Suka siya nang suka, sobrang pagsusuka talaga ang nangyari du’n sa young actor!

“Hindi na tuloy siya nakasama sa group breakfast nila, umuwi na lang si young actor, nagpahatid na lang, dahil para siyang hinang-hina sa kasusuka dahil sa amoy ng paa ng bestfriend niya!

“Active pa rin siya sa pag-arte ngayon, napapanood ang male personality sa isang sikat na serye, nagdidirek na rin siya ngayon!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang bansuting lalaking personalidad na ito na may sister ding artista!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending