P3.4M shabu nasamsam sa Bahala Na Gang member | Bandera

P3.4M shabu nasamsam sa Bahala Na Gang member

Leifbilly Begas - June 16, 2019 - 04:44 PM

NASAKOTE ng pulisya ang dalawang drug suspects at nakumpiska ang P3.4 milyong halaga ng shabu sa Quezon City, kaninang umaga.

Kinilala ang mga naaaresto na sina Mark Kim Cudia, 28, miyembro ng Bahala Na Gang, at residente ng Brgy. Kaunlaran, Cubao, at Patricia Jane Dayta, 19, ng San Juan City.

Ang dalawa ay nahuli sa buybust operation alas-5:02 ng umaga sa Kaginhawahan st. kanto ng Kaagapay st., Karangalan Village, Brgy. Manggahan, Pasig City, matapos na magbenta ng P20,500 halaga ng shabu sa isang police poseur buyer.

Narekober umano sa kanila ang tinatayang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Ang operasyon ay kasunod ng buybust operation na isinagawa alas-11 ng gabi kamakalawa sa Apartment Corridor sa Aurora Blvd., Brgy. Kaunlaran, Cubao kung saan naaresto sina Joy Cabacungan, 37, ng Brgy. Kaunlaran at Reynaldo Apostol, 33, ng Brgy. San Martin De Porres. Nakumpiska sa kanila ang 15 sachet ng shabu.

Itinuro nila si Cudia na siyang pinanggagalingan ng kanilang itinitindang shabu.

Nabatid na naaresto si Cudia noong 2017 at nakalaya makaraang pumasok sa Plea Bargaining noong Nobyembre 2018.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending