Horoscope, June 17, 2019 | Bandera

Horoscope, June 17, 2019

Madam Sophia |June 17,2019
facebook
share this

Horoscope, June 17, 2019

Madam Sophia - June 17, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mas gaganda ang kapalaran kung lagi kang nakangiti. Haluan ng saya ang pakikipagtransaksyon upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, imbis na ang kasuyo ang laging palabiro, ikaw naman ang kumiliti sa kanya. Mapalad ang 4, 9, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Om” Red at orange ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Ingatan ang kalusugan, may babala ng karamdaman. Upang magpatuloy ang kasiglahan, panatiliin ang puso na laging in love. Katugma mo ang isang Leo. Sa pinansyal, basta’t laging buo ang iyong loob, tuloy-tuloy ang masaganang pasok ng pera sa kabang-yaman. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 31 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Beige at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Panahon na upang maging body conscious. Dagdag na ehersisyo ang dapat. Sa pag-ibig yayain ang kasuyo sa paglalakad tuwing umaga, habang sweet kayong nagkukuwentuhan. Sa masiglang pamumuhay, magiging masigla rin ang kabuhayan. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shati-Pad-Me-Om.” Pink at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Tuloy-tuloy ang agos ng magandang kapalaran habang pumapasok ang tag-ulan. Ito ang panahong dapat mo ring matutunang mag-ipon. Sa pag-ibig hayaan mong ang kasuyo ang magpasya, may sopresang kaligayahang mararanasan. Mapalad ang 5, 9, 25, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebalam.” Blue at violet ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Wag nang makisawsaw ng makisawsaw sa lipunan. Mas mainam pang mag-concentrate na lang sa pamilya kaysa sa social gatherings. Sa pag-ibig, mas magiging maligaya kung pahahalagahan pang lalo ang private life. Mapalad ang 4, 8, 28, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yasoda-Dosya-Om.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Sa pag-ibig, seryosohin ang minamahal, upang habang buhay kang lumigaya. Sa pinansyal, hangga’t ikaw ang nasusunod sa bawat diskarteng ipatutupad, malaking halaga ng salapi ang kikitain. Mapalad ang 1, 7, 11, 20, 29, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Orange at maroon ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Upang lalo ka pang suwertehin sasakyan ang sikapin mong maipundar. Kapag nagkasasakyan ka na piliin ang plate number na 555. Habang ang mapalad na kulay ay puti o kaya’y silver. Kapag nagawa mo yan, lalo kang susuwertehin at yayaman. “Aum-Jagat-Guro-Om” ang mahiwaga mong mantra.

Libra – (September 23-October 23)—Maging maingat lalo na sa pagpapautang. May babala na marami na naman ang hindi magsisipagbayad. Sa susunod wag na silang pauutangin pa upang hindi sumama ang loob mo at ng hindi ka masisi ng iyong kasuyo. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Venit-Om.” Pink at magenta ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Tiwala sa sarili ang susi upang umunlad. Sa pag-ibig, sapat na ang iyong ganda, upang manatiling tapat ang kasuyo, wag ng maglagay ng kung ano-ano pang koloreta sa mukha, lalo ka lang pumapangit. Mapalad ang 6, 15, 27, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Violet at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Aanhin ang limpak-limpak na salapi kung kamumuhian ka naman ng iyong mga kamag-anak. Umpisahan nang maging mapagbigay. Sa pag-ibig bagay kayo ng isang Aries. Mapalad ang 3, 9, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at gred ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Ang mga Capricorn ay madaling nakakagawa ng pera, pero hindi iyon ang mahalaga sa halip ang mas mahalaga ay ang yumaman. Katuwang ang mga mahal sa buhay simulan na ngayon ang pagpapayaman. Mapalad ang 1, 13, 19, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Savitra-Om.” Green at golden yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasan ang madalas na page-FB. Walang maitutulong sa iyo na maganda ang sobrang pagco-computer at pagce-cell phone. Sa pag-ibig, magsuot ng kulay na dilaw, upang ma-higop mo ang suwerte at maligayang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 14, 23, 32, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Om-Rebus.” Bukod sa red ang lilac ay buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)— Simulan ang pagbabagong buhay kahit gustong-gusto mo ng mangutang pigilin ang sarili. Hindi nakapagbibigay ng pag-unlad ang pangungutang. Panahon na upang sanayin ang pamilya sa mga mumurahin pero masustansyang pagkain. Tandaan ang pormula: “Tipid-tipid muna upang umunlad ang buhay upang guminhawa at habang buhay na lumigaya!” Mapalad ang 2, 7, 20, 27, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dominum.” Green at silver ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending