How to be dad po? | Bandera

How to be dad po?

Leifbilly Begas - June 16, 2019 - 12:10 AM

HALIGI ng tahanan ang papel ng mga tatay sa pamilya. Siya ang naatasan na maghanap-buhay para sa pangangailangan ng kanyang asawa at mga anak.

Pero hindi ang dami ng kinikita ang tanging batayan para maituring na mabuting tatay ang isang tao.

Robot
Hindi dahil tatay ang haligi ng tahanan dapat ay maging sunod-sunuran sa kanya ang iba pang miyembro ng pamilya.

Remember na ang mga bata ay tao at hindi robot. Ang mga bata ay bunga ng pagmamahalan ng mag-asawa kaya dapat silang pahalagahan.

Palo
May mga pag-aaral na nagsabi na hindi nakabubuti sa bata ang pamamalo dahil tumatatak sa mga ito ang pagiging bayolente at ang trauma.

Kung minsan siguro baka pwede pa, pero kung papaluin palagi sa tuwing may magagawa itong mali ay parang hindi na tama.

Mas maganda kung kakausapin ang bata para malaman niya na mali at bakit mali ang kanyang nagawa.

Example
Gaya ng kasabihan, ang ginagawa ng matanda ay nagiging tama sa mata ng bata, kaya dapat ay maging isang mabuting halimbawa ang isang tatay.

Kung nais ng isang ama na maging mabuting tao ang kanyang anak, dapat ay ipakita niya ito. Hindi ang tatay pa ang gumagamit sa kanyang anak sa paggawa ng mali.

Bonding
Makabubuti sa isang ama at kanyang anak o mga anak kung mayroon silang bonding.

Dapat ay walang “pader” sa relasyon ng mag-ama. Maganda kung alam ng ama kung ano ang nararamdaman ng anak at nararamdaman nito kung mayroong problema ang bata.

Ang mga gawaing-bahay ay hindi lang para kay mommy, pwede ring tumulong si daddy, at kung makikita ito ng mga bata ito ang kalalakihan nila.

Bigyan mo sila ng oras, hindi puro trabaho. Ikaw rin baka masanay sila na wala ka.

Sorry
Turuan mo rin ang mga bata na mag-sorry.

Hindi dahil tatay ka ay hindi ka na nagkakamali. Kaya kung nagkamali ka, aminin mo. Magpakalalaki ka sa pagiging tatay at aminin ang kamalian.

Sa ganitong paraan ay maituturo mo rin sa mga bata na hindi masamang umamin ang nagawang pagkakamali.

Commitment
Ang isang buong tahanan ay mayroong ama, ina at mga anak. Kaya kung mahal ng mag-asawa ang kanilang mga anak, dapat ay huwag magpadalos-dalos sa pagdedesisyon ng paghihiwalay.

Mas mahirap ng magsama muli sa iisang bubong ang mag-asawang naghiwalay na. Tandaan ang mga pangakong binitiwan noong kayo ay ikinasal — “magsasama sa hirap at ginhawa,” hindi kung kailan lang gusto. Remember, hindi nage-expire ang marriage contract.

Assignment
Hindi dahil si daddy ang naghahanap ng pang-matrikula, wala na siyang pakialam sa assignment ng mga bata.

Maganda kung magiging bonding ng tatay at kanilang mga anak ang paggawa ng assignment dahil nakikita ng bata na mayroong pakialam ang kanyang tatay at may ginagawa ito upang siya ay mapabuti.

Dahil madalas ay hindi naman sinasabi ni daddy na mahal niya ang mga anak, makikita ng mga anak ang pagmamahal na ito sa simpleng mga bagay gaya ng pagyakap, pagtulong at pakikipag-bonding.

Gawain
Pwede ring bonding time ang pagtuturo sa mga anak ng iba’t ibang bagay. Pwede mo silang turuang mag-drawing.

Kung lalaki ang anak mo, bakit hindi mo i-try na turuan siyang gawin ang kanyang bisikleta? Turuan mo kung paano gumamit ng pliers at screw driver. Mga simpleng bagay na magagamit niya sa kanyang paglaki.

Ama
Tingnan mo ang iyong ama, naging mabuti ba siyang tatay sa iyo. Kung oo, di ba ito ay magandang gayahin?

Kung hindi naman siya naging mabuting ama, dapat ba ay ganito rin ang iparanas mo sa iyong mga anak?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi gantihan ang pagiging tatay. Kung alam mo na mali ang ginawang pagpapalaki sa iyo ng tatay mo, huwag mo na iparanas sa mga anak mo, tama?

Dapat kang maging magandang halimbawa sa kanila at ang ipakikita mo ay maaaring siyang maranasan ng magiging mga apo mo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending