Robin pinalalamig ang ulo ni Duterte, pumapadrino sa prangkisa ng ABS-CBN | Bandera

Robin pinalalamig ang ulo ni Duterte, pumapadrino sa prangkisa ng ABS-CBN

Cristy Fermin - June 15, 2019 - 12:03 AM


MALAKAS  ang ugong ng balita na si Robin Padilla ang “nagpapalamig” ng ulo ni Pangulong Duterte para magkaroon ng posibilidad ang pagpapatuloy sa himpapawid ng ABS-CBN.

Kilalang malapit sa pangulo ang action star,
sinuportahan niya ang pa-ngulo nu’ng kampanya nito, kaya hindi siya nakakalimutan ng ating tagapamuno.

Madiin ang mga pahayag ni PRRD, hindi nito palulusuting makakuha ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN, kailangan munang makipagkita sa gitna ng network tungkol sa kanilang pagkakautang sa pamahalaan.

Ang pakikipagkompromiso ng network sa mga gustong mangyari ng pangulo ang tanging makapagbibigay sa kanila ng panibagong prangkisa na nakalutang pa sa ere hanggang ngayon!

Napakabilis ng panahon, ang March 20 ng susunod na taon ay ilang tulog at gising na lang, napakalaking problema para sa mga empleyado at artista ng ABS-CBN ang puwedeng maganap sa kanilang istasyon.

Hindi totoong makakasabay ng network sa pagre-refile ng kanilang prangkisa ang TV5, nu’ng Pebrero pa ay nakakuha na nang dalawampu’t limang taong lisensiya ang istasyon, kasabay ang GMA 7.

Mapagbiro talaga ang kapalaran. Number one station na itinuturing ang ABS-CBN pero kung ganyan naman kalaking problema sa prangkisa ang kanilang hinaharap ay nakapanghihinayang ang posisyong pinanghahawakan nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending